JK, natupad na ang pangarap
Kung si JK Labajo ang tatanungin, gusto niyang magkaayos pa rin sila ni Darren Espanto.
Katwiran niya, maliit na industriya lang ang ginagawalan nila lalo pa nga at itinuring niya rin daw itong kapatid sa totoong buhay.
Umabot nga sa demandahan ang nangyari sa kanila ni Darren dahil sa word war tungkol sa pagiging ‘gay’, mga bata pa sila nun.
Wala pang reaction si Darren tungkol dito.
Aniya, ayaw na niya ng negativity lalo na ngayon at busy siya sa kanyang first major concert sa MOA Arena na juan karlos LIVE sa November 29 at the SM Mall of Asia Arena.
“This is a dream come true. This proves that there is room for everyone in the music industry. I’ve always wanted it, and it’s finally happening thanks to Nathan Studios, who believes in my worth and artistry,” ayon kay JK.
Dagdag niya : “The concert’s production team is working hard to polish all the elements needed in order to provide the greatest possible concert experience for everyone. Of course, they’ll hear and see me perform my hits as well as a few songs that have influenced me as an artist.”
Nakakatatak na si JK sa mga hit song na Demonyo (2017), Buwan, (2018), and Ere, (2023), sumikat sa edad na 13 sa kanyang stint sa debut season ng The Voice PH Kids noong 2014.
Sa paglabas ng Ere, na nakakuha ng mahigit 1.22 millio stream sa loob ng 24 na oras at gumawa ng kasaysayan sa Global Chart ng Spotify, inilista ito ng Google bilang isa sa mga pinakahinahanap na kanta noong 2023 habang patuloy siyang may 2.9 million buwanang mga tagapakinig sa Spotify at isang boses na tumatagos sa mga kaluluwa ng mga nakikinig. “Music has been a part of my life. I enjoy making music because it allows me to convey what I want and express how I feel. As artists, we should constantly allow our vulnerability to shine through, connecting and sharing it with others,” he shares.
Bukod pa rito ang mga ginawa niyang ABS-CBN series, including Hawak-Kamay” (2014), Pangako Sa ‘Yo (2015-16), A Love To Last (2017), and Senior High as well as its spin-off, High Street (2023-24). The singer-songwriter also had an impressive performance on the Netflix original film Lolo And The Kid kahit maiksi lang ang naging participation niya na originally ay para kay Joshua Garcia.
The concert is produced by Nathan Studios with the support of Universal Music Group Philippines.
Naunang naubos ang mga VIP tickets ayon kay Sylvia Sanchez ng Nathan Studios kaya medyo kampante na raw sila.
Ang kailangan na lang ay ‘yung nasa general admission na karaniwang nauubos sa mga walk-in.
But anyway, may annoucement si JK na “Win FREE concert tickets (Floor Standing section) and a meet & greet with @juankarlos at the Great STR8 Sale!
“Enjoy special offers on all STR8 products on November 6, 2024 at the SM Store Mall of Asia.”
Samantala, kagagaling lang nito sa Pinoy Beats sa Dubai.
Nakasama niya rito sina Rico Blanco and Kyle Echarri.
In all fairness, dinagsa ito ng mga Pinoy doon.
- Latest