Sam, tanggap na tumatanda na!
Unang nakilala si Sam Milby bilang Housmate sa pinakaunang season ng ‘Pinoy Big Brother’ noong 2005. Pagkalabas ng Bahay ni Kuya ay nagtuluy-tuloy na ang binata sa paggawa ng kabi-kabilang proyekto sa telebisyonman o pelikula. Marami nang nakatambal ang aktor sa dalawang dekadang nakalipas katulad nina Anne Curtis, Yen Santos, at Toni Gonzaga. Sa edad na apatnapung taong gulang ay nahihirapan na umanong pumili si Sam ng kanyang katambal para sa isang proyekto ngayon. “Honestly, I’m getting older so it’s hard for me. We have to admit, itong business na ito, it’s a young market. It’s harder habang tumatanda ka. I just turned 40, I feel the age actually. There are so many amazing, talented actresses sa ABS-CBN. And I honestly wouldn’t say that there’s one that I would love to work with,” makahulugang pahayag ni Sam.
Tanggap na rin umano ng binata kung sakaling wala nang kumuha sa kanya upang gumawa ng mga proyekto. “It’s something that you have to accept. I mean, showbiz is not a very stable job kumpara sa mga iba. You can have your successful show, ang ganda. Tapos after two years wala ka nang trabaho. It happens. It’s something that I understand na nangyayari, you have your peak. Sometimes you feel like it’s a survival mode. I just feel so blessed right now,” paliwanag ng aktor.
Kamakailan ay muling pumirma si Sam ng kontrata sa ABS-CBN. Kabilang ang aktor sa Philippine adaptation ng seryeng ‘Saving Grace’ at malapit na ring mapanood saKapamilya network. “I feel blessed. I’m going to be here as a Forever Kapamilya for the next few years also,” pagtataposng binata.
Yeng, masaya dahil blooming si Ryan
Nagkatuksuhan ang mga hosts ng It’s Showtime nang mag-guest si Yeng Constantino noong isang linggo. Nagpaplano na kasi si Ryan Bang na pakasalan ang kasintahang si Paola Huyong. Matatandaan namang niligawan ng binata noon siYeng. Naitanong kay Yeng kung kakanta sa nalalapit nakasal nina Ryan at Paola. “Madlang People, ako naghihintaylang ng invitation eh. Gusto n’yo sa bahay n’yo puntahan ko kayong dalawa eh. Ang saya ko para sa iyo, blooming eh,” mensahe ni Yeng kay Ryan.
Inimbitahan ni Ryan si Yeng kung maaaring kantahin ang Korean version ng ‘Ikaw’ sa kanilang kasal ni Paola. “Kahit chorus lang, ‘no? Sige nga Ryan, para ‘pag kinanta ko sa wedding n’yo damang-dama mo kasi language mo. Aralin ko ‘yan,” pangako ng singer-songwriter sa It’s Showtime host. — Reports fro JCC
- Latest