^

PSN Showbiz

Andrea, nang-ghost

Pilipino Star Ngayon
Andrea, nang-ghost
Andrea Brilliantes.
STAR/ File

Wala munang pasabog ang aktres na si Andrea Brillantes para sa Halloween ngayong taon.

Marami raw ang nag-abang sa kanyang Halloween costume at nagtanong kung ano ang pasabog niya this year.

May mga umasa pa na makikita siya ng mga ito sa Halloween party dahil lagi itong may entry.

Pero waley.

Literal na ginhost niya muna ang fans niya dahil out of the country siya sa kasalukuyan na hula ng netizen ay nasa Switzerland ito.

Mukha nga raw nakikiuso ito sa trend dahil marami ngayon ang umiiwas na sa atensyon. “Less is more” nga raw ayon sa netizen.

Maaalala ring madalas gawing pulutan ng ba­shers si Andrea na laging binabantayan ang galaw.

Huli nga siyang na-bash ay noong GUTS concert ng Filipino-American na si Olivia Rodrigo sa Philippine Arena na inakusahan siya ng kung anu-ano.

Pero sa ngayon mukhang mas enjoy ito sa pag-travel kaya nananahimik muna ito. Bongga.

Michelle, nagbilad sa Maldives!

Ang bongga naman ni Michelle Dee na lutang ang kaseksihan sa kanyang beach photos sa Maldives.

Ipinost ng Miss Universe Philippines 2023 ang mga litrato niya suot ang kanyang two-piece black and white swimsuit na aniya ay isa sa kanyang dream destinations na Maldives.

Makikita ang pagbilad niya ng katawan habang nasa batuhang bahagi ng beach. “There’s something about Maldivian waters,” caption niya sa kanyang post.

Maaalalang nag-trending ang Halloween costume ng anak ni Melanie Marquez nang mag-ala Beyonce-inspired cowgirl Barbie siya bago siya lumipad pa-Maldives.

Pagkatapos nga raw nitong mag-ala Beyonce ay naging Tyla naman ito real quick.

Puring-puri naman siya ng netizens sa sexy photos niya sa Maldives at sinabing sexy at hot ito pero wholesome pa rin ang dating nito. Lutang pa rin daw kasi ang pagiging classy nito kahit magbilad man ng katawan.

ANDREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with