^

PSN Showbiz

Ex ng actress, todo ang pagdi-display sa mas fresh na jowa!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang masasabi ng female celebrity na hiwalay na sa mas nakababatang lover; at hetong ex-lover niya ay laman ng Rockwell kasama ng kanyang bagong kalukadidang na ‘di hamak na mas bata sa female celebrity?

In full display ang kanyang bagong girlfriend na mas fresh at walang excess baggage samantalang noong sila nitong female celebrity ay hardly itong pino-post ng lover niyang nasa public eye rin?

Nakaka-stress kung magkita ang ex at new girlfriend nitong male celeb ha! Or iwas na lang sa Rockwell ang female celeb kasi ito na nga ang teritoryo ng bagong magjowa. Hayyyyy!

John at Archie, hindi tinatablan ng kontrobersya

Nasa balita ngayon ang mga lalaking artistang simbolo ng machismo – sina John Estrada at Archie Alemania.

Parehong nasasangkot sa iba’t ibang babae, at mahusay ring lumusot sa sticky situations! Nariyan nang tawagin silang philanderers, womanizers at God’s gift to humanity – pero tinatablan ba sila?

Parang tuloy lang naman ang buhay sa kanila.

Si John nagagamit pa nga niya ang pagkaangas niya as part of his charm, at in fairness, nagiging hugot niya ‘yun sa maayos na pag-arte.

Si Archie, ewan natin kung ano ang mararating pagkatapos ng reklamo sa kanya ng fellow Sparkle artist.

Si Priscilla Meirelles ni John, parang sumuko na ba sa pag-intindi sa asawa niya? Si Gee Canlas kaya, ano nga ang reaksyon niya sa kontrobersya ng mister na si Archie?

Medyo sabog pa ang mensaheng nakukuha natin sa bangayang ito. May future pa ba si Archie sa GMA pagkatapos ng demandang inihain sa kanya ni Rita Daniela?

Miss Panama, tumiwalag sa Miss Universe!

Ano ba naman itong Miss Universe pa­geant na ito? Meron palang mga pasaway na kandidata na tumiwalag na – si Miss Panama’s Italy Mora na may disciplinary action daw.

Ang punchline ng ibang sumusubaybay ng pageant, hindi kaya ‘yung mismong may-ari na si Anne Jakapong Jakrajutatip ay magka-disciplinary case rin, ‘di ba? Chos!!!

Ex ni Anthony, may patutsada sa betrayals!

Ano ba’t namumutiktik din ang usap-usapan ukol sa paghihiwalay nina Anthony Jennings at ang non-showbiz girlfriend nito na si Jam Villanueva? Kasi naman sa mga post ni Jam ay puro patungkol sa breakup at betrayals.

Oh well, ang next na aabangan ay kung tuluyang magkakabutihan sina Anthony Jennings at Maris Racal, na nauna nang nahiwalay kay Rico Blanco.

Hindi ba narinig na natin ang plot na ganito? Wala na bang bago?

Nakakataquote:

On Kim Chiu and Paulo Avelino:

“They’ve very good for one another.” – Jake Cuenca

JAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with