Misis ni ER Ejercito na si Maita Sanchez, pumanaw sa edad na 55!
Malungkot na balita ang bumungad pagbukas ko ng Facebook kahapon, dahil sa announcement ng dating Laguna governor ER Ejercito sa pagpanaw ng asawa niyang dating alkalde ng Pagsanjan at aktres na si Maita Sanchez.
Siya ay namatay sa edad na 55 at kaagad na ipinost ito ni ER sa kanyang Facebook account.
Aniya, “My lovely and beautiful wife, our dearly belove Mayora Girlie ‘Maita’ Javier-Ejercito of Pagsanjan, Laguna just passed away due to endometrial cancer at 12:01am November 3, 2024 at St. Luke’s Medical Center, Quezon City.
“She was 55 and we have six children, Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego and Gabriela.
“Heartfelt thanks for all your love and prayers.”
Binanggit na rin doon ni ER ang ilan sa achievement ni Maita bilang alkalde ng Pagsanjan mula taong 2010 hanggang 2019, at naging Vice Mayor ng 2019 hanggang 2022.
Ganundin ang mga nagawa niyang pelikula noong naging active pa ang namayapang misis bilang aktres. Pero napasama pa pala siya sa Shake, Rattle and Roll Extreme ng Regal Entertainment, at ‘yun na ang huling pelikulang nagawa niya.
Nagsimula ang burol nito kagabi na kung saan may misa gabi-gabi hanggang Nov. 9 sa Don Porong Ejercito 1912 Ancestral Mansion sa Pagsanjan, Laguna.
Ilan sa kaagad na nagpahatid ng pakikiramay ay sina Cong. Lani Mercado-Revilla, Boots Anson Roa-Rodrigo, Liz Alindogan at iba pang kaibigan sa showbiz at pulitika.
Naalala namin ang dating mayor Maita na magiliw sa mga movie press, pati sa filmmakers. Napaka-cooperative niya sa mga gustong mag-shoot o mag-taping sa Pagsanjan.
Ipinaparating po namin ang aming taus-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Mayora Maita, lalo na kay ER Ejercito.
John sa kasamang babae: ‘I don’t owe anyone an explanation’
Matipid lang ang sagot ni John Estrada sa kumalat na video nito na may kasamang babae sa isang bar. Matagal bago niya nasagot ang pangungulit namin tungkol dito.
Ang sabi lang ni John,“Honestly, I don’t owe anyone an explanation. But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female. Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure.”
Hindi na sinagot ni John ang iba pa naming tanong.
Ate Vi, gusto ulit buhayin ang dugo ng mga manonood sa sinehan!
Ipinagdiwang ng Star For All Seasons Ms. Vilma Santos ang kanyang 70th birthday kahapon, at sinabi naman niyang may simpleng pagsasalo raw siya kasama ang pamilya. Pero meron din siyang pinaghahandaang selebrasyon sa Batangas.
Nagpasalamat si Ate Vi na nakapagpahinga siya nang mabuti bago siya nag-shooting sa pelikulang Uninvited na entry ng Mentorque Productions sa 50th Metro Manila Film Festival.
Ayaw raw niya kasing magpa-pressure na dapat ay makahabol sa deadline ng submission of finished films sa MMFF.
“Nung sino-shoot namin ‘yun talaga ang bilin ko na ayokong ma-pressure na kailangang madaliin. Kailangan ihabol. Wala tayong ganun. Basta I want to do a good film at ‘yun ay sama sama nating gawin. Hindi ko naman alam na umabot,” pakli in Ate Vi.
Kailangan daw niyang ingatan ang kalusugan niya dahil bukod sa paghahandaan niya ang pangangampanya, magiging abala rin siya sa promo ng MMFF entry niya.
Aminado ang premyadong aktres na iba na raw talaga ang pagpo-promote ngayon hindi kagaya nung isang taon.
Matindi ang ginawa niyang pag-iikot kasama si Christopher de Leon noong nakaraang MMFF, at malamang na ganun pa rin ang gagawin niya ngayong taon.
“If I can still do it, why not?” bulalas ni Ate Vi.
“Kailangan mabuhay ‘yung dugo ng tao to go back to the theater. Kailangan makita kami nang personal. Kailangan mabuhay uli ‘yung dugo.
“’Yun ang adbokasiya namin at pinag-usapan natin ‘yan.
“Never sa buhay ko na 62 years in the industry na nagtinda ako ng ticket. Hindi ako nagbibiro. Just to make sure that people will go back to the theater and they’ll be happy. Not because of When I Met You in Tokyo, but the whole 49th Metro Manila Film Festival talaga,” dagdag niyang pahayag.
Kaya gagawin niya uli ito ngayong taon.
Sa Nov. 20 ay ilulunsad na ng Mentorque Productions ang Uninvited ni Ate Vi kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, at marami pa, sa ilalim ng direksyon ni direk Dan Villegas.
- Latest