^

PSN Showbiz

Richard, nagsalita kung paano katrabaho si Daniel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard, nagsalita kung paano katrabaho si Daniel
Richard Gutierrez at Daniel Padilla

Malapit nang mapanood ang pinakabagong serye na pagbibidahan ni Richard Gutierrez na Incognito. Ngayon pa lamang ay excited na ang aktor na matunghayan ng mga tagahanga ang naturang action-drama series. “It’s been doing good. Mala­king project siya and it’s very exciting. Maaksyon and we’re excited to show it,” bungad ni Richard.

Kasama ngayon ng aktor si Daniel Padilla sa bagong proyekto. Ayon kay Richard ay masarap na katrabaho ang binata. “It’s great working with Daniel and excited siya mag-action. Wine-welcome namin siya sa action. Masarap siyang katrabaho, as usual. We get along and masaya ‘yung set namin,” paglalahad niya.

Huling nagbida si Richard sa ser­yeng The Iron Heart na nagtapos noong isang taon. Para kay Richard ay mas pinatindi pa ang action scenes sa bago nilang programa. “Sa Iron Heart nakita n’yo maaksyon, pero dito inangat pa namin. Dito ensemble ‘yung cast namin. It’s about a group, and maganda ‘yung kwento. Iba,” pagtatapos ng aktor.

Mariel, old-fashioned sa pakikipagrelasyon

Naniniwala si Mariel Rodriguez na maaaring maging pantay ang mga lalaki sa mga babae. Para sa aktres ay mayroong mga bagay na mas humihigit pa ang kababaihan sa mga kalalakihan.  “Ang respect sa isa’t isa is pantay. Pero I still believe, call me old-fashioned but girl should be submissive to the husband. I really, really believe in that. I also believe na babae ang nagdadala ng marriage. Babae ang nagdadala ng relationship. So, I believe it can never really be pantay, Tito Boy. And I want people to know, that women have the right to give the go signals.

“Why am I saying this? There was a time merong issue that came out. So many people are saying, ‘Oh my gosh! Kawawa naman si Mariel. Oh my gosh! You’re married to that.’ And I wanted them to know that women are empowered. We say when, may mga bagay na tayo ang nasusunod. Mas nakakaangat ang babae lalo na in Robin’s religion. Mas bini­bigyang halaga ang mga babae,” makahulugang pahayag ni Mariel sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mula noong naging magkasintahan pa lamang sina Mariel at Robin Padilla ay nagkaroon na ng mga kasunduan ang dalawa. Mahigit labing-apat na taon nang kasal ngayon ang mag-asawa. “They really are allowed to marry four. But ako may kondisyon, when I got into the relationship, si Robin kumbaga ang untouchables sa kanya is ‘yung Mindanao and his children. So never ko ‘yung ginagalaw. The time that he gives Min­danao, everything for Mindanao. Basta hindi pwedeng pakialaman ang Mindanao. I get that, ako ang sabi ko isa lang ang kondisyon ko, Tito Boy. It can only be me. And to this day, he’s working very, very hard to keep that promise,” pagbabahagi ng host-actress.

Samantala, mayroong mga pagkakataon na pumapatol si Mariel sa online bashing na nararanasan sa social media. Para sa aktres ay hindi siya makapapayag na mapagsabihan ng mapanakit na salita ang kanyang mga mahal sa buhay. “Sometimes nati-trigger ka talaga. Sometimes tao ka din, may feeling ka din. When it’s Robin, lalo when they say things to my kids, ‘yon talaga, parang gusto mong pumunta sa NBI tapos mag-eksena, mag-eskandalo ka ro’n, ‘yung gano’ng level. I also learned, Tito Boy, sometimes kahit na anong sabihin mo, meron na silang perception of you. Whether or not tama ka, mali ka, wala na dahil ang nasa isip nila, gano’n ka,” paliwanag ni Mariel. — Reports from JCC

 

ACTOR

DANIEL PADILLA

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with