^

PSN Showbiz

Pagbati ni John kay Coco, naikonek sa hindi pagbati sa misis

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagbati ni John kay Coco, naikonek sa hindi pagbati sa misis
Coco Martin
STAR/ File

Andaming bumati kay Coco Martin kahapon, Nov. 1, ng happy birthday.

Araw ng mga Santo nga nagdiriwang ng birthday ang actor na karelasyon ni Julia Montes.

Kabilang sa mga bumati sa kanya si Cherry Pie Picache : “Sa napaka gwapo at napaka buti kong anak, Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!!!! Laging nasa likod mo. Mahal na mahal ka namin ni Nio!!! Cheers”

Ganundin si John Estrada : “Sa aking pinaka mamahal na Hari, kapatid at kaibigan, Happy happy Birthday co?

“Sabi ko nga sa yo e halos lahat e na sa sayo na, ang dasal ko nalang talaga sa Diyos e yung, ilayo ka sa kapahamakan at sa karamdaman

“I love you co, happy birthday”

Pero naisyuhan si John. Ba’t daw sa misis niya, Priscilla Meirelles, nung nag-birthday, walang appreciation post. Buti pa raw si Coco.

Samantala, matinding aksyon at nonstop na katatawanan ang hatid ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Coco sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Nobyembre.

Saksihan ang Kapamilya actor bilang Panday sa Ang Panday (Nob. 1), gang leader na si Paco sa Super Parental Guardians (Nob. 8), bodyguard na si Pol sa 3pol Trobol: Huli Ka Balbon! (Nob. 15), undercover spy na si Emman sa Beauty and the Bestie (Nob. 22), at mabuting pulis na si Jack sa  Jack Em Popoy: The Puliscredibles (Nob. 29) sa Friday Action block na mapapanood 9p.m. tuwing una at ikatlong Biyernes at 10 p.m. tuwing ikalawa at ikaapat na Biyernes.

Isang special tribute din ang handog ng Cinema One para sa international workers dala ang iba’t ibang pelikula na sumasalamin sa sakripisyo at dedikasyon ng OFWs. Tampok sa Pinoy Beyond Borders ng Blockbuster Sundays ang Milan nina Claudine Barretto at Piolo Pascual (Nob. 3), Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto (Nob. 10), Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (Nob. 17), at In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz na ipapalabas tuwing Linggo, 7 p.m.

Samantala, mapapanood sa An OFW Special ang mga pelikulang Sana Maulit Muli nina Aga Muhlach at Lea Salonga (Nob. 11), Caregiver ni Sharon Cuneta (Nob. 12), Love Me Again nina Piolo Pascual at Angel Locsin (Nob. 13), Anak nina Vilma at Claudine (Nob. 14), Barcelona: A Love Untold nina Kathryn at Daniel Padilla (Nob. 15) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m.

Magniningning naman ang husay ng iba’t ibang Kapamilya leading men sa kanilang pagbida sa Monday Drama. Huwag palampasin ang Starting Over Again  ni Piolo (Nob. 4), #WalangForever ni Jericho Rosales (Nob. 11), Kasal ni Paulo Avelino (Nob. 18), at Love You to the Stars and Back ni Joshua Garcia (Nob. 25) na ipapalabas tuwing Lunes, 9 p.m.

Exciting din ang magi­ging kuwentuhan nina Bianca Gonzalez at Marvin Agustin sa The B Side ngayong Nob. 8 (Biyernes) na available sa Cinema One Facebook at YouTube channel.

Mapapanood din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6 p.m., Linggo, 9 p.m., at Lunes, 10 a.m.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56,

COCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with