^

PSN Showbiz

Misis ni Archie Alemania, damay sa demanda ni Rita

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Misis ni Archie Alemania, damay sa demanda ni Rita
Archie at Gee
STAR/File

MANILA, Philippines — Naka-off na ang comment box ng Instagram account nina Archie Alemania at asawang si Gee Canlas nang muli na­ming bisitahin ang IG nila.

Open pa ang comment box ng kani-kanyang IG ng mag-asawa at dahil joint ang IG post nila sa kanilang 6th anniversary celebration, parehong comment ang mababasa na puro pagko-congra­tulate sa kanila at masaya pa ang atmosphere. Pero, nang lumabas ang balitang sinampahan si Archie ng kaso ni Rita Daniela, nag-iba ang tono ng netizens. Galit sila kay Archie at may nagmura pa at naalala ang iba niyang kaso sa girls.

May nagpaalala na may hinalikang aktres si Archie na kasama niya sa Bubble Gang, hindi na raw nagreklamo ang aktres dahil sa cheek lang siya hinalikan. Para raw beso lang, kaya lang, in bad taste pa rin daw ‘yun. Hinihintay ng netizens kung magsasalita ang aktres sa ginawa sa kanya nito.

Mabuti raw si Rita at nagsampa ng kaso at hindi magpapaareglo, pinuri ang tapang nito at inunahan na nga si Archie ng netizens, maghanda na raw siya at makukulong siya.

May netizens na nag-request sa GMA na alisin na ito sa Widows’ War at kahit hindi pa nakakapagsampa ng kaso si Rita, inaksyunan na ng network. Kung mapapansin ng viewers ng drama series, matagal nang hindi napapanood si Archie, pinalitan na siya ni Arthur Solinap.

Kim at Julie Anne, pinagtatapat

Hindi maiwasang pagkumparahin sina Julie Anne San Jose at Kim Chiu dahil pareho silang ca­lendar girl ng mga alak na paboritong tomahin ng mga kababayan natin, lalake man o babae.

Si Julie ang 2025 Ginebra San Miguel Calendar Girl at si Kim ang 2025 Tanduay Calendar Girl. Actually, si Kim ang unang nabalitang calendar girl ng Tanduay, nauna lang na-launch si Julie na ikinagulat ng marami. Seksi raw ang dyowa ni Rayver Cruz, pero hindi nila in-expect na tatanggapin nitong maging calendar girl. Kaya raw pala siya ang muse ng Ginebra San Miguel sa pagbubukas ng bagong liga ng PBA.

Ayun na nga, siguradong ikukumpara ang dalawang aktres, ang photoshoot, ang produkto ng calendar at kung anu-anong bagay lang na puwedeng pag-awayan ng fans nila.

Nakakatawa lang ang netizens sa mga comment nila at pati si Gerald Anderson nadamay. Dahil parehong naging calendar girls ang ex niyang si Bea Alonzo at GF niya ngayon na si Julia Barretto at ex niyang si Kim na calendar girl for 2025, tanong ng netizen, shareholder daw ba ng Tanduay si Gerald?

Pinuri rin ang aktor dahil mahusay raw pumili ng dyowa at tama ang netizens sa sinabi nilang ito. May ex-GF pa si Gerald na hindi na isinali ng netizens sa usapan dahil may asawa’t anak na.

Barbie at David, nag-solo sa bakasyon

Nasa US na nga si Barbie Forteza, nagbabakasyon ang aktres ng Pulang Araw, nagpapahinga sa sunud-sunod na ganap. Solong lumipad pa-Amerika ang aktres, inihatid lang siya ni Jak Roberto sa airport at siguradong susunduin sa pagbabalik.

Hindi naman siguro magkikita sa ibang bansa sina Barbie at David Licauco ‘no? Nauna nang lumipad si David para rin magbakasyon, pero hindi sinabi kung saan siya pupunta. Kaya ang ilang BarDa fans, ang wish, sana raw magkita sa ibang bansa ang favorite love team nila.

Anyway, sa latest post ni Barbie, nasa eroplano siya at kumakain.

ARCHIE ALEMANIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with