^

PSN Showbiz

Kris gustong sumali sa relief operations, sumailalim sa panibagong procedure!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris gustong sumali sa relief operations, sumailalim sa panibagong procedure!
Kris Aquino.
STAR/ File

Parang lumakas na si Kris Aquino.

Nag-uumpisa na siyang maglakad-lakad base sa post ng kanyang most trusted friend, former editor ng isang tabloid din, si Dindo Balares.

Maayos na rin ang awra niya at andun sa kanyang mga mata ang deteminasyon na lumakas at gumaling.

Pero aniya sa message nito kay Bro. Dindo “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”

Bagama’t ayon sa dating kapwa-editor na “Maraming pagkakataon na iniiyak na lang ni Kris ang sobrang sakit na nararanasan. Pero sabi niya ilang oras bago sumailalim sa bagong procedure sa Makati Medical Center kahapon, #TuloyAngLaban.”

Nais din daw nitong sumali sa relief operations para sa mga winasak ng Super Typhoon Kristine bago pa ito pumasok sa Makati Med para sa nasabing procedure na walang nabanggit kung ano ‘yun.

Nagbigay last week ng bagong health update ang host-actress mula nang bumalik sa Pilipinas noong nakaraang buwan mula sa United States pagkatapos ng mahigit dalawang taon.

Sinimulan ng “Queen of All Media” ang kanyang mahabang mensahe sa Instagram sa pamamagitan ng pagpapahayag ng paghanga sa mga pinagtagpo niya sa ospital sa Taguig, na tumutukoy sa isang “outdoor wedding” na diumano’y pinaplano niya.

Ibinahagi ni Kris na mayroon siyang computed tomography (CT) scan ng kanyang chest at isang positron emission tomography (PET) scan, na binanggit na ang huli ay ginawa upang maalis ang posibilidad ng cancer.

Pinaalalahanan ng host-actress ang lahat na nakikipaglaban pa rin siya sa lima sa anim na kondisyon ng autoimmune, na may tatlo sa mga na-diagnose na itinuturing na nagbabanta sa buhay dahil maaari itong makapinsala sa artery na nagkokonekta sa kanyang puso at sa kanyang lungs, bukod pa sa pagiging allergic sa lahat ng steroid.

Pero aniya, tuloy ang kanyang laban at walang planong sumuko.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with