^

PSN Showbiz

Sam, nag-aalala sa kanyang career?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sam, nag-aalala sa kanyang career?!
Sam Milby.
STAR/ File

Parang nalungkot ako kay para kay Sam Milby.

Nabasa ko ang sinasabi niya na nakararamdam daw siya ng takot sa kanyang career paminsan-minsan.

Aniya sa interview ng ABS-CBN, sa pagmumuni-muni raw niya sa halos dalawang dekada sa industriya, naniniwala siyang hindi isang secure na trabaho ang showbiz at kailangan mong tanggapin na palaging may bago, mas maganda ang hitsura, at mas may talento, aniya sa nasabing interview matapos siyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN last week.

Oo nga raw at patuloy siyang abala sa mga proyekto tulad ng paparating na serye na Saving Grace, inamin din niya na nabo-bother din siya kumbaga lalo na raw sa mga panahon na walang masyadong ganap sa kanyang career.

Maalalang nag-umpisa siya sa ABS-CBN bilang housemate ng Pinoy Big Borther at umpisa noon ay nakilala na siya.

Nagpunta lang daw siya sa Pilipinas para magbakasyon pero hindi niya namalayan, naka-19 at ngayon ay 20 years na siya sa showbiz.

Hahaha pero sa totoo lang makakalimutan ko ba si Sam? Or makakalimutan ba ako ni Sam?

Hahahaha. Hulaan ninyo kung bakit?

Pero sa totoo lang, hangad ko na magtagal ang career ni Sam, maging relevant pa rin siya kahit dalawang dekada na siya sa showbiz.

Lalo na at diabetic siya. Maalala ngang noong June this year ay inamin niyang may type 2 diabetes siya.

Aniya sa post : “Akala ko healthy akong tao. Di naman ako sweet tooth, bihira in mag junk food, pero last year nalaman ko na may type 2 diabetes na ako. Mga magulang, lola’t lolo ko wala. I just wish nagpa check up ako nang mas maaga nung pre diabetes pa ako kasi pwede pa ireverse. Payo ko - don’t ignore the symptoms (my main symptoms - laging nauuhaw at madalas mag pee) at magpa-check up regularly. “#diabetes.”

Pero sa totoo lang ulit, ang ikinatataka ko, consistent siyang nanahimik sa break up nila ni Catriona Gray. Ba’t kaya?

Naku pakialaman ko talaga si Sam noh.

Basta, love ko na si Sam sa kabila nang nangyari sa amin.

Hahahaha. Nangyari talaga sa amin noh.

Babu.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with