^

PSN Showbiz

Anne, naimpluwensyahan na rin ng monster!

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

 

Ang cute ng reaksyon ng It’s Showtime host na si Anne Curtis nang makatanggap siya ng kanyang unang Labubu mula sa kanyang makeup artist.

Ipinost ng makeup artist niya sa TikTok ang kanyang pag-unbox at hindi nga nito mapigilan ang excitement habang binubuksan ang kanyang first Labubu noong last day na ng Magpasikat sa Showtime.

“Anniversary Labubu, thank you,” sey nito kay Anthea (make-up artist).

Ipinost nga rin ng misis ni Erwan Heussaff sa kanyang Instagram Story at sinabing “Uh oh, what have you started?”

Super cute nga raw ng genuine reaction nito ayon sa netizens.

Mukhang magsisimula na rin siyang mango­lekta ng Labubu gaya ng ibang celebrity tulad nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Jinkee Pacquiao, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Samantala, isa rin si Nadine Samonte sa nahuhumaling sa nasabing plushie bag charms pero ninega ng bashers ang pangongolekta niya.

Nakukumpara siya sa misis ni Dingdong Dantes na si Marian at inaakusahan pa siyang ginagaya ito.

Marami nga kasi ang naiimpluwensyahan ng Kapuso Primetime Queen lalo na sa mga pino-post niyang Royal Mollies na parami na nang parami.

Below the belt na nga raw ang pamba-bash kay Nadine at pati ang pagkawala ng upuan niya sa Gala night ay kinonek pa.

Kaya sey niya sa ba­shers ay masaya raw ang nanay nina Zia at Sixto sa pangongolekta niya dahil isa ito si pinagtanungan niya ng supplier ng mga manika.

Kaya curious daw siya bakit galit na galit ang mga ito kasi ginagaya raw niya ito?

Pero dedma na lang daw siya at gagawin niya ang gusto niya at patuloy siyang mango­ngolekta nito. Bongga.

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with