Kapuso artists, tuloy ang aral sa paglaban sa mga scammer!
Nagsanib-pwersa ulit ang GMA Network at Bank of the Philippine Islands (BPI) para palaganapin ang kaalaman tungkol sa cybersecurity sa pamamagitan ng isang workshop na may temang Maging Listo, Huwag Magpaloko.
Ginanap ito sa Makati City noong Oct. 18 na dinaluhan ni GMA Corporate Affairs and Communications Vice President Angela Javier-Cruz kasama nina BPI executives: Chief Customer and Marketing Officer Cathy Santamaria, Enterprise Information Security Officer and Data Protection Officer Jonathan John Paz, Fraud Risk Operations Division Head Luigi Manianglung, at Public Affairs and Communications Head Maria Elena Torrijos.
Isa itong pagtitipon na hindi lamang puno ng mahahalagang kaalaman kundi pati na rin ng mga bituin mula sa Sparkle GMA Artist Center. Sa pangunguna ni Rain Matienzo, dinisenyo ang workshop na ito upang bigyang kaalaman ang mga artista para maprotektahan ang kanilang impormasyon at maturuan ang iba na protektahan ang kanilang sarili sa mga scammer.
Ilan sa talented stars na dumalo sa workshop ay sina Elijah Alejo, Dave Bornea, Angel Leighton, Cheska Fausto, Brent Valdez, Kim Perez, Nikki Co, Prince Carlos, Prince Clemente, Shanelle Agustin, Patricia Coma, Mitzi Josh at Larkin Castor.
Dagdag pa rito, nakiisa rin ang Sparkle teens, beauty queens, at newly-signed artists sa ilalim ng Status by Sparkle at natutunan ang mga mahahalagang aral tungkol sa cybersecurity.
- Latest