^

PSN Showbiz

Barbie, nangongolekta ng donasyon

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bakit daw hindi na lang sariling pera

Pinost ni Barbie Imperial ang mga natanggap na donation na ipadadala niya sa Libon, Albay at galing sa mga kaibigan at fans niya. Makikita na pati ang mom niya, tumulong sa pag-empake ng sacks of rice.

Maaalalang nanawagan siya ng tulong para sa mga kababayan niya sa Bicol at marami ang tumugon sa kanya. Tiyak din na ‘yung mga nag-like at nag-comment na showbiz friends niya ay nagbigay din ng tulong.

Wala pang nagtatanong kung nagbigay sa kanya ng donation si Richard Gutierrez na for sure, nag-extend ng tulong. Ni-like ni Richard ang post ni Barbie asking for donations, pati si Ruffa Gutierrez, at nag-comment ng emoji ng clasp hands in prayers.

Nagpasalamat kay Barbie ang mga taga-Bicol at panigurado, hindi ‘yun ang first and last na manga­ngalap ng donasyon ang aktres.

‘Wag ding mag-alala ang mga nagtatanong kung bakit humihingi ng donasyon sa mga tao ang mga celebrity gaya niya. Bakit daw hindi sarili nilang pera ang kanilang gamitin?

Siguradong ginawa niya ito at ibang celebrity, gumastos sila para ipambili ng mga ido-donate sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

John at mga Kapamilya, dagsa sa Lolong 2

Kabilang si John Arcilla sa malaking cast ng sequel ng Lolong na may pamagat na Lolong: Bayani ng Bayan. Present siya sa storycon, kaya next year, sa series ng GMA 7 muna mapapanood ang mahusay na aktor.

Natuwa ang Kapuso fans sa balitang ito at ang tawag nga nila ay pagbabalik ni John sa Kapuso Network. Hagorn nga ang tawag sa kanya, ang pangalan ng ginampanan niyang karakter sa original Encantadia.

Isa pang ikinatuwa ng fans, magkakasama sina Hagorn (John) at Ybrahim (ang ginampanan namang role ni Ruru) sa second version ng Encantadia. Hindi man sila nag-abot, parang reunion na rin daw nila ang Lolong.

Actually, hindi lang si John ang Kapamil­ya na kasama sa cast dahil kabilang din sina Nikki Valdez, Jan Marini, Gerard Pizaras, Nico Natividad, at Boom Labrusca. Ito na yata ang series ng GMA 7 na may pinakamaraming taga-ABS-CBN sa cast.

First time ni Nikki makapag-work sa GMA 7 at ang sabi, “Yes, I made it  to this side! So looking forward!” Sa kanyang post, masaya si Nikki to be working with GMA, pero ang ibang Kapamilya fans ay hindi masaya.

Damit ni Ate Guy sa TNT, binebenta na?!

Hindi naman yata ibinenta ni Nora Aunor kay Boss Toyo ang damit na isinuot niya nang manalo siya sa Tawag ng Tanghalan dahil ang report, dinala lang ng Superstar ang damit kay Boss Toyo. Ang sabi pa, ilalagay sa isang museum ang damit.

Para kay Boss Toyo, worth P5 million ang damit ni Nora kung ibebenta dahil napaka-espesyal ng damit na ‘yun at parte na ng history. Sa pananalo niya sa Tawag ng Tanghalan nagsimula ang kanyang pagsikat bilang singer at sumunod, nakilala siyang mahusay na aktres.

BARBIE IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with