^

PSN Showbiz

Mikee, naiyak na hindi na natikman ng lola ang kanyang luto

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mikee, naiyak na hindi na natikman ng lola ang kanyang luto
Mikee Quintos

Antagal na rin pala nina Paul Salas and Mikee Quintos.

Four years na rin. At si Paul pala ang mas naiyak nang lumabas na ang teaser ng Lutong Bahay.

Dumating sa point na nag-overthinking na siya dahil matagal-tagal na rin siyang walang programa na ang pinakalast nga ay The Write One last 2023.

“Alam ninyo ba nung lumabas ‘yung plugging umiyak siya. Umiyak siya as in kasi ayun nga, he knew I felt. Siya ‘yung nag comfort sa akin nung medyo nag-o-overthink ako dun sa tengga moments ko and alam niya ‘yung pakiramdam and ‘yung meaning sa akin ng Lutong Bahay nung pumasok ‘yung Lutong Bahay sa life ko,” sabi niya kahapon sa media conference ng kanyang kumaba ay comeback show.

“Haaah walang mag-iiyakan dito pero kasi I lost my lola nung June and kinwento ko earlier na siya ‘yung laging nagluluto sa bahay, di ba. Tapos nung wake niya parang sa family ko may isa-isa siyang naaayos na mga buhay ng mga kapatid ko, ng mga matatagal nang problema. Tapos lagi ko siyang binubulong. Sabi ko, Nay ako din ha. Wala akong specific na hinihingi kay nanay na blessing, na ayusin niya sa life ko pero naramdaman ko nung the morning after na sinabi sa akin ‘yung Lutong Bahay na si nanay, ito, kaya nangyari ito.

“Iyon ‘yung inayos niya sa akin. Nag-support siya. Kahit hindi niya napapanood ito, alam mo ‘yun, sobrang feel ko si nanay. Ma! Si mommy kasi. Sobrang na-feel ko na ‘yung guidance ng lola ko na alam niya ‘yung... hindi ko napapansin ko napapansin ‘yun kasi bago siya mamatay tinatanong niya ako, wala ka bang show, Mikee? Nami-miss na kita sa TV. May ganon siya.

“Tapos right after niya mamatay pumasok ito. I’m sure kung naabutan niya ito, oh my gosh talaga. Ayun lang, ‘wag na tayong mag-drama-han,” impormasyon ni Mikee.

Pero kung meron man daw favorite na hinahanda niya for Paul, ito ay ang kape.

“Sa totoo lang ‘yun ‘yung lagi niyang nire-request, kape. Iba raw ‘yung kape ‘pag ako nagtitimpla. Pero ang favorite niya talaga tinola, tinolang manok,” pero hindi pa raw talaga niya naipapagluto ang karelasyon.

Steak naman ang laging toka niya sa pagluluto sa kanilang pamilya.

Anyway, nag-training si Mikee bago siya sumabak sa Lutong Bahay.

“Nag-training kami for the show as a Chef. ‘Yung tatlo (tatlong chef), apat na araw, tinuruan kami nung official workshop for it. Pero ‘yung talagang ‘yung urge ko na matutong magluto, hindi dun nanggaling, dun sa lock-in kasi dun nag umpisa ang lock-in eh. 2020 nangyari ‘yun tapos syempre ‘pag lock-in wala kang kasamang assistant, wala kang ano di ba sa taping tapos more than a month kayo dun. Tapos dun ko nafeel for the first time in my life ‘yung independence talaga na fully na ikaw lahat naglalaba ng everything.”

Pero ‘yun nga, the Write One pa ang huling programa niya.

“And during the break, ang dami kong narealize, ‘yung pahinga na ‘yun, na parang sabi ko, oh, so this is how it feels kapag nati-tengga ka. Paul was a big help with those feelings. Lagi niyang pinapaalala sa akin nun na lahat ng artista nararamdaman ‘yan. Parang hindi mo kailangan mag overthink, ganyan-ganyan. Pero syempre, dahil natural ‘yung feelings na ‘yun, di ba, kung anu-ano iisipin mo, I chose to parang sabi ko, imbis na malunod ako sa sadness or mapunta ako sa magreklamo or whatever. Sabi ko, why not maghanap ako ng bagong skills. During those break, nag-request ako sa Sparkle, sabi ko, pwede ba ako mag-workshops? Hindi pa ako nagko-comm workshop ever, ‘yung public speaking workshops. So, I tried it out, and super nag enjoy ako na tinuruan mag-hosting and everything. Tapos ang dami kong natutunan at ang daming nabago sa views ko pagdating sa showbiz din. Tapos, hindi ko lang inakala na ganito kabilis. ‘Yung inaral ko sa workshop, magagamit ko agad. like four months, five months in that workshop, kinontact ako for Lutong Bahay, so parang grabe talaga si Lord. As in grabe si Lord na parang doon ko na-realize, if pinili mong magtrust sa Kanya and to stay positive, He’s really gonna bless you more. And to trust the people around you, na, they’re gonna see eh. Iyan sila Nessa hindi nakakalimot. The whole taping, I love that they appreciate the effort we give sa trabaho. Kasi, I’m not the type of artist na manghihingi, na please naman po, pahingi pong trabaho. Hindi ko napi-feel na kailangan mag-gano’n kasi naniniwala akong pag nakita ng mga boss na deserve mo or nag-i-effort ka, they’re gonna trust you with it. And, I just, I really wanna deliver and make them proud, at sana hindi sila magsisi sa desisyon nila.”

MIKEE QUINTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with