Stage play ng dalawang female personalities, nag-buy take one ng tickets
Okay ang bentahan ng tickets ng mga concert ngayon. Ang aga pa lang ay sold-out na. Pero itong isang show sa entablado ng dalawang kilalang personalidad ay hindi talaga umarya ang ticket sales.
Kaya para matuluy-tuloy lang ito at hindi kakalog-kalog sa venue, nag-buy one take one na sila para ma-release lang ang tickets.
Hindi raw ma-gets ng mga manonood ang format ng show kaya mahirap daw talagang ibenta.
Ang isyu pa rito, hindi pa maganda ang review sa show at mas pinuri ang magaling na aktres, kesa sa award-winning theater actress na mas sikat kay magaling na aktres.
Mabuti na lang at okay ang bentahan ng show niya sa ibang bansa. Kaya puwede pa siya roon.
Iginagalang sa entablado si award-winning actress, pero unti-unti na bang nababawasan ang popularidad?
Ogie, gusto na ring maging lolo
Si Ogie Alcasid na isa ring concert producer ay aminadong mahirap din daw talaga ngayon mag-produce ng concert.
Nagpapasalamat siyang may nakukuha siyang sponsors, pero maganda raw talagang maagang paghandaan, lalo na sa paghahagilap ng sponsors.
Kaya balak pa raw niyang magpa-trade event uli para maaga pa lang ay makahingi na siya ng sponsors sa mga susunod na ipo-produce niyang shows.
Mabuti naman at successful ang mga nagawa niya, kagaya nitong katatapos lang na anniversary concert ni Martin Nievera.
Hindi pa raw niya masabi kung nalugi sila, basta nakangiti naman daw si Cacai Mitra na partner niya sa project na ‘yun.
Ngayon ay parang kampante na siya sa nalalapit na SB90s, ang reunion dance concert ng Streetboys sa Nov. 8 na gaganapin sa New Frontier Theater.
Pero meron din si Ogie sa Nov. 30 na Ogieoke 2 Reimagined na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.
Sa media conference nitong Ogieoke 2 concert ni Ogie kahapon na ginanap sa Kamuning Bakery, kinumusta na namin ang singer/songwriter na magiging father of the bride na siya.
Tinanong na rin namin sa kanya kung handa na ba siya kung magpapakasal na sina Leila Alcasid at Curtismith.
Sabi ni Ogie, “Alam mo, ang dami ko kayang kaibigan na ang dami ng apo. Parang ako na lang ‘yung wala… well, hindi naman. Meron ding wala.
“Hindi ako nainggit, but I wanna feel that. Kasi lahat sila sinasabi ang sarap. E sa pusa lang, tuwang-tuwa na ako e.”
Hindi pa raw niya alam kung kailan na gustong magpakasal nina Leila at Curtismith. Hindi pa naman daw ito nasabi sa kanila ni Michelle Van Eimeren.
“Kung ready na sila. I mean, after nila ikasal bakit pa nila patatagalin?” dagdag niyang pahayag.
Hindi na raw siya nagulat nang nagpaalam na sa kanila si Curtismith na mag-propose na ito.
“Alam mo, there was a part of me na parang parating na siya. Hindi naman sa hindi ko siya ini-expect. So, nung dumating parang ‘ahh you just confirmed what I was thinking, what I was feeling.’ Happy. I was super happy.
“I talked to Michelle sabi niya, well you know, life goes on. She’s happy… I’m happy for both of them.
“Si Leila, has blossomed into a real responsible, intelligent, loving daughter. So, sabi ko kay Michelle, sa ‘yo lumaki ‘yan, ikaw ‘yan,” sabi pa ni Ogie Alcasid.
- Latest