^

PSN Showbiz

Final eviction night humamig nang higit 786,400 views magiging big winner ng PBB Gen 11 inaabangan na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Final eviction night humamig nang higit 786,400 views magiging big winner ng PBB Gen 11 inaabangan na

Sina Fyang, Kai, Kolette, at Rain ang natitirang Housemates na napabilang sa Big Four ni Kuya at ngayo’y magtatagisan bilang susunod na Big Winner sa huling linggo ng Pinoy Big Brother Gen 11.

Nitong Sabado (Oktubre 19), binoto ng sambayanan ang all-girl Big Four ni Kuya habang hindi naman pinalad na makasama sa Big Four si JM matapos makakuha lamang ng pinakamababang boto (17.32%) sa limang natirang housemates.

Binasag din muli ng programa ang all-time viewership record nito matapos makapagtala ang naturang episode ng mahigit 786,400 combined views sa Kapamilya Online Live via YouTube at Facebook.

Sa pagpapatuloy ng pamamalagi ng Big Four sa loob ng bahay, may ma­tindi pang payanig si Kuya na susubok kung sino sa kanilang apat ang karapat-dapat maging Big Winner sa kanyang “Big Task” pasabog.

Samantala, ang mga naunang nakalap na boto ng Big Four nitong Sabado ay madadala hanggang sa Big Night sa pagpapatuloy ng botohan para malaman ang susunod na Big Winner na mag-uuwi ng brand new house and lot mula sa Vista Land and Lifescapes Inc., trip package to Korea at P1 million!

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng paboritong Housemate na ibabawas sa Maya wallet. Unlimited din ang botohan para more chances of winning para sa inyong nais na Housemate.

Maki-update sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Alamin din kung sino kina Fyang, Kai, Kolette, at Rain ang magiging susunod na Big Winner sa The Final Stage at the Big Night ive mula sa ABS-CBN Studios ngayong Sabado (Oktubre 26), 8:30 PM.

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with