Vhong, ramdam sa rehearsals ang totoong edad
Masaya at malungkot si Vhong Navarro sa reunion dance concert ng Streetboys na tatlong dekada na pala ang nakalipas umpisa nung nabuo.
Paliwanag ng komedyante / TV host : “Saya dahil after 31 years, nagawa na nga at mangyayari na nga. at ‘yung lungkot, kung bakit naging 31 years saka naisip gawin. Pwede namang mas maaga, ‘di ba?” komento niya sa kanyang nararamdaman sa magaganap na reunion concert ng kanilang grupo sa November 8, New Frontier Theater.
Ngayon daw kasi, ramdam na nila sa rehearsals ang katotohanan na ganun na katagal ang nakaraan. “Ramdam namin ngayon sa rehearsals ang sakit ng likod. Kulang na nga lang, magpa-sponsor kami ng mga salonpas, ointment, ganyan,” sabay tawa ni Vhong sa nakaraang presscon.
At 11 silang sasayaw sa SB 90s - The Reunion Dance Concert ng Streetboys na first time na buo ang grupo.
Thankful naman sila kay Ogie Alcasid (A-Team) na producer nila sa reunion concert.
Kaya’t nangako sila na gagalingan nila at gagawin ang mga ginagawa nila noon na pinasikat talaga nila.
Sumikat sila noong dekada ’90 at hindi naman talaga pwedeng kwestyunin ang naging popularidad nila.
In fact, nang mag-post si Vhong sa kanyang Instagram account andami agad nag-reminisce. “This brought memories to me. I still remember tumatambay ako sa polycosmic sa quezon avenue every wednesday makita lang kayo. I still have our picture together. Of all SB members ikaw pinaka favourite ko. I remember one new years day dinalaw kita sa bahay nyo sa Malibay you gave me your baby picture with signature pa. Those were the days I will always treasure,” ayon sa isang follower ni Vhong.
Meron namang nakaalala na may clippings pa siya ng mga article nila na lumalabas sa mga dyaryo. “Dati naggugupit pa ko sa dyaryo ng mga pictures nyo. Pahirapan pa humanap ng posters, pati mga articles about Strretboys. Ngayon, napakadali na.”
Humarap nga sa ginanap na mediacon sina Vhong Navarro, Jhong Hilario (na pahinga na sa pulitika), Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Nicko Manalo, Joey Andres, at Joseph de Leon.
By this time ay malamang na nasa Pilipinas sina Spencer Reyes, Sherwin Roux, at Michael Sesmundo na sa ibang bansa na naka-base.
At present last Sunday si Direk Chito Roño na siya talagang bumuo sa Streetboys.
- Latest