Vice, walang naranasang murahan sa MMFF entry
Inamin ni Vice Ganda na ibang-iba ang karanasan niya sa The Breadwinner Is... Nanibago raw siya actually.
Ito ang rebelasyon niya sa MMFF announcement ng limang pelikulang bumuo sa MMFF Magic 10.
“Sinasabi ko nga, at ipinagmamalaki ko sa ABS-CBN na ito ang pelikula ko na pinaka-mapayapa mula simula hanggang dulo.
“‘Yung walang nag-aaway, walang nagagalit, walang nagmumura, walang sumisigaw, walang nagbabato ng upuan. Masaya lang lagi.
“Sobra nilang professional. Sobrang loving. Sobrang supportive.
“That’s what I felt, parang I was given so much love and support. And I needed that, at that time. Kasi siyempre, bago ito, eh. Bago ito, bagong dama, bagong gawa. Parang it’s familiar, but it’s different.
“Hindi ko siya comfort zone, pero sobra ang pinaramdam nila sa akin na suporta pagmamahal. At mukha namang naitawid ko! Hahahaha!” pagkukuwento niya sa maiksing presscon.
Ang tinutukoy niya actually ay ang Idea First nila Direk Jun Lana na producer nga nitong The Breadwinner Is...
Nagpramis din siyang magsisipag sa pagpo-promote ng MMFF. Obligasyon daw niya sa sarili at sa kanyang pelikula ‘yun.
“Hindi naman sa pagmamalaki, siguro hindi ako masisilipan ng MMFF na hindi ako tumulong sa kanila sa pagpu-promote sa kanila, hindi lang ng pelikula ko.
“Katunayan, may sarili akong pang-float sa bawat munisipyo. Lalo na noong pandemya, na ni hindi alam ng mga tao na may festival na magaganap sa Pasko, kaya ako mismo, kailangan kong tumulong, kailangan kong gumalaw, kasi kung hindi ikalulubog ko rin naman `yon, at ng festival na kasali ako.
“So kung ano ang ginagawa ko noon, baka dagdagan ko pa ngayon. Katulad ng pelikula ko, familiar efforts, but different atake!” sabi pa niya.
Tiyak na magiging matindi talaga ang labanan ngayong MMFF dahil bukod sa sampu ulit ang pelikulang kasali, star studded lahat.
Andyan ang Espantaho (Judy Ann Santos and Lorna Tolentino); The Kingdom (Vic Sotto and Piolo Pascual); Green Bones (Dennis Trillo and Ruru Madrid); Strange Frequencies: Haunted Hospital (Jane de Leon and Enrique Gil); Isang Himala: Musikal (Aicelle Santos); My Future You (Francine Diaz and Seth Fedelin); Uninvited (Vilma Santos, Aga Muhlach and Nadine Lustre); Topakk (Arjo Atayde and Julia Montes) and Hold Me Close (Carlo Aquino and Julia Barretto).
- Latest