‘Bawal mag-absent sa dialysis’
Grabe ang dami palang ganap kahapon Salve, pero ba’t ako waley.
Hahaha. Ok lang.
Well, dahil wala man akong ganap sa showbiz nasa dialysis session naman ako kahapon.
Alam na ‘yun na every Tuesday need kong rumampa sa FEU Hospital para magpa-dialysis ng apat na oras na wala akong choice.
Kaloka. Or else sabi nga ng kapit-bahay namin... alam na ang mangyayari.
Pero nagpapasalamat pa rin talaga ako sa Diyos na ang daming nakakaalala sa akin. Lagi nila akong tinatanong kung kumusta naman ako at saya at ‘wag akong malungkot.
At naloloka sila pag sinasabi kong twice a week na lang akong nagpapa-dialysis.
Ayoko na nung tatlong beses isang Linggo. Hindi ko talaga kaya. Nanghihina ang katawan ko. Para akong binugbog. Basta ang importante mag-diet ako sa tubig.
Hay naku ang buhay ng matanda.
Hahahaha.
Mga kapatid ni Carlos, nagsasanay na rin sa Japan
Sosyal naman pala ang dalawang nakababatang kapatid ni Carlos Yulo na nagsimula na rin sa kanilang hangarin na makapasok sa Los Angeles Olympics sa 2028.
Lumipad ang dalawang batang gymnast sa Japan upang magsanay sa ilalim ng parehong coach na naghasa sa kanilang nakatatandang kapatid.
Sina Eldrew at Elaiza ay bahagi ng training camp ni Japanese coach Munehiro Kugimiya sa Japan kung saan inaasahang matututo at mapapabuti ang kanilang pageensayo sa gymnastics.
Kaloka.
Sana nga ay magkaayos na ang pamilya Yulo para naman maging masaya ang kanilang Pasko.
- Latest