^

PSN Showbiz

Angelica, nakakapasyal na sa mall pagkatapos ng hip surgery!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica, nakakapasyal na sa mall pagkatapos ng hip surgery!
Angelica Panganiban, Gregg Homan, at Amila

Ahhh sumailalim na pala sa hip replacement si Angelica Panganiban.

Ito pala ang dahilan kaya’t hirap pa siyang maglakad.

Spotted nga siya last week sa isang high end mall sa Makati at nagtaka ang mga nakakita sa kanya na nahihirapan siyang lumakad.

Inaalalayan din siya ng mister niyang si Gregg Homan na kasama niyang namamasyal sa mall at kanilang anak.

Sa latest vlog ng aktres sa YouTube channel nila ng mister, nilantad nga niyang sumailalim na siya sa hip replacement.

Nauna na siyang sumailalim sa hip surgery three months ago.

Noong isang taon nang ikumpisal ni Angelica na nadiskubre ng mga doktor na meron siya avascular necrosis o bone death.

Inilahad niya rin sa isang video ang hirap na kanyang nararanasan dahil sa nasabing sakit noon.

Ang tindi raw ng sakit nito at halos hindi na siya makalakad.

Hanggang nagkaroon siya sa core decompression sa kanyang hips upang maibsan ang kanyang  pananakit pero hindi ito naging epektibo kaya kailangan na niyang magkaroon ng hip replacement.

Aniya sa kanyang vlog : “Hindi siya nakatulong sa akin especially on my left hip. Pinadali niya ang pag-collapse ng aking balakang. Mas naging brittle ‘yung hips ko and for two months, bed rest lang ako,” simulang nuwento niya sa kanyang vlog.

“Hindi siya madali, of course, mentally. Kasabay ng pagkamatay ni Mama (Annabelle “Ebela” Panganiban na namatay last August 20), hindi man lang ako makapag-exercise. Talagang nakahiga lang ako kahit gusto ko nang gumalaw,” pagkukuwento pa niya tungkol sa naranasan niyang matinding sakit at hirap sa paglalakad.

Tumagal daw ng dalawang oras ang operasyon pero ito ay malaking tagumpay.

At may payo siya sa mga taong nakararanas din ng tulad ng kanyang sakit, aniya ay huwag matakot sa operasyon.

“Kita n’yo naman o, two days after the surgery, nakakalakad na ako, so tanggalin n’yo na ‘yung stigma ng mga nahi-hip replacement na hindi sila makakalakad, parang end of the road na ‘yung sa kanila. Hindi. Extension ‘to ng quality ng life n’yo.

“Excited na ‘kong mabalik ‘yung buhay ko, makalaro ang anak ko,” napapaiyak niyang kuwento na hindi raw niya kinayang iwan ng isang buwan ang kanyang mag-ama nung nagplano siyang sa Thailand sana magpa-opera.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with