^

PSN Showbiz

Ogie, natakot sa aksidente ni Kim sa magpasikat...

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ogie, natakot sa aksidente ni Kim sa magpasikat...
Lassy, Kim, Ogie Alcasid at MC

Nagsimula na kahapon ang selebrasyon ng 15th anniversary ng It’s Showtime, at ang unang nag-perform sa kanilang ‘‘Magpasikat’ ay ang grupo nina Vice Ganda kasama sina Karylle at Ryan Bang.

Tumatalakay ito sa pag-asa at survival. Punung-puno ng emosyon at madrama na talagang ibinuhos nila lahat ang galing nila sa performance nila.

May special participation pa ang SB 19, Aura Briguela, at Carlos Yulo.

Pero iyun nga lang, may mga naaksidente na pala sa mga host habang nagre-rehearse sila.

Puspusan ang rehearsal nila, at talagang may mga death-defying acts na hindi pa nila nagagawa sa mga nakaraan nilang performance.

Sa nakaraang media conference ng Streetboys reunion dance concert, ikinuwento nina Vhong Navarro at Jhong Hilario kung sino ang mga naaksidente sa rehearsals.

Isa na rito si Jhong, at ganundin daw kina Kim Chiu at Amy Perez.

Ipinakita sa akin ni Jhong ang bandaid tape sa hintuturo niya, at sa may siko.

“Meron kasing machine na ginamit, na medyo dangerous siya kasi…ayoko muna sabihin. Pero from circus kasi yung machine na yun. So, medyo delikado siya, medyo mahirap siyang gawin. Medyo hindi maiwasan na maaksidente,” pakli ni Jhong.

Hindi na nga niya tinapos ang mediacon ng Streetboys dahil kailangan na raw niyang umalis para sa rehearsal nila. Kasama ni Jhong dito sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez na hindi pa raw na-experience mag-champion kaya talagang kinarir daw nila nang husto.

Sa Friday daw mapapanood ang kanilang performance.

“We’re doing this for madlang pipol talaga.  We’re doing this para makakita sila ng kakaiba, para naman in 15 years may makita silang bago.

“Kaya nga sobrang thankful ako kay God kasi…well, nagpe-pray naman kami before the practice. Kaya thankful ako na ito lang yung inabot ko, and siguro kailangan lang talaga namin mag-ingat,” dagdag niyang pahayag.

Doon pa rin sa mediacon ng Streetboys, humabol si Ogie Alcasid para sumuporta  sa reunion dance concert na prinodyus ng A Team niya.

Doon niya kinuwento sa aming naaksidente rin daw si Kim Chiu na ikinatakot daw nilang lahat. Kasama rin nila sa kanilang team sina MC at Lassy. “Hindi ko puwedeng i-explain kung ano ang nangyari sa kanya. Pero sobrang…yung gabi na yun medyo…sinamahan ko siya papunta dun sa ambulansiya, tapos mag-isa na siya.

“Madaming nasasaktan. So…wala e, ganun talaga e. ­Medyo matindi. Pero buti na lang she’s okay. Nasaktan talaga siya.”

Okay naman daw si Kim ngayon pagkatapos siyang na-CT scan at nag-rehearse na raw sila uli.

“Tuloy. Itutuloy niya. Kanina ginawa na naman niya. So, ganun talaga e. Inaasahan naman namin na it’s worth all the hardwork.

“Kanina nag-rehearse kami, maganda na yung kinalabasan. So, pine-perfect na lang namin,” sabi pa ni Ogie Alcasid.

Naging tradisyon na raw kasi ang ginagawa nilang ‘Magpasikat’ para sa mga sumusuporta sa It’s Showtime.

Pero kung si Ogie ang tatanungin mas mabuting itigil na raw itong ‘Magpasikat’ pagkatapos ng ginagawa nila in 15 years. “Pero, feeling ko kasi, yung magpasikat is a tradition na talagang magpasiklab ka.

“Siguro nung sinimulan nina Vice Ganda, bata pa sila. Ngayon, hindi na sila bata, kaya nararamdaman na nila yun. Maganda rin namang itigil muna. Kasi nakaka-pressure,” natatawang pahayag ni Ogie.

“Siyempre ang madlang people nage-expect. So, that’s why we’re doing something na ma-meet yung expectation na yun. ‘Yung mga expectation ng madlang people, since sobrang thankful kami sa kanila dahil 15 years na nila kami sinusuportahan, and hanggang ngayon nandiyan sila for us. Of course, gusto namin sila bigyan ng magandang show,” sabi naman ni Jhong Hilario.

Ngayon lang ulit mabubuo...

Pitong members lang ng Streetboys ang humarap sa kanilang media conference na ginanap sa Siesta Horchata Café sa Quezon City noong Linggo.

Doon namin nakita uli ang original members na sina Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Joseph de Leon, at Nico Manalo. Kasama siyempre sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na na-maintain ang kanilang showbiz career.

Kasama rin nila sa pictorial si Chris Cruz, pero hindi na nakasama sa mediacon dahil may prior commitment na raw ito sa Zumba. Parating pa lang galing ibang bansa sina Sherwin Roux, Michael Sesmundo, at Sphencer Reyes.

After 31 years ay ngayon pa lang sila nag-reunion at magpe-perform na talagang kumpleto sila.

“Yung eleven po kami na first time kaming kumpletong magkasamang sasayaw. Kasi hindi po nangyari yun e.

“Parang ang nangyayari, pag meron pong…hindi nakukumpleto, may aalis, parang ganun.  Eto yung first time e,” sabi ni Vhong Navarro.

Dagdag na pahayag ni Direk Chito Roño na bumuo sa kanilang grupo more than 30 years ago; “First time na buo talaga. First time na babalik lahat na hits ng Streetboys. Yung mga popular na hits nilang sasayaw. Makikita yun lahat. 90s nga.”

Kaya ang daming  fans na talagang nag-aabang sa SB 90s The Streetboys Reunion Dance Concert na nakatakda sa November 8 sa New Frontier Theater.

 

SHOWTIME

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with