^

PSN Showbiz

Eula Valdes, hindi ordinaryo ang tingin sa batang katrabaho

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Eula Valdes, hindi ordinaryo ang tingin sa batang katrabaho
Eula Valdes.
STAR/ File

Hindi ordinaryong bata ang tingin ng veteran actress na si Eula Valdes sa Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell. Si Euwenn ang itinuturing na child wonder ng kasalukuyang panahon.

Magkasama sina Eula at Euwenn sa mag-uumpisang serye sa Kapuso channel, ang Forever Young.

Aminado si Eula na matagal na niyang wish na makatrabaho ang multi-awarded child star na umani rin ng katakut-takot na papuri sa Netflix film na Lolo and the Kid kasama si Joel Torre. Ganundin sa pelikulang Firefly.

Napansin daw kasi ni Eula ang pagiging extraordinary ni Euwenn nang una silang mag-meet.  “Nag-iisip siya,” chika ng aktres sa ginanap na mediacon ng Forever Young.

Tuwang-tuwa nga raw siya tuwing nakakaeksena si Euwenn dahil sa likas na husay nito bagama’t napakabata nga. “Alam niya ang ginagawa niya. Parang pinanganak siya para mag-artista.

“May times na focused siya, may times din namang naglalaro siya, gusto nang umuwi. Hindi siya pangkaraniwang bata. Hindi siya bata,” na ikinatawa ng lahat sa presscon.

Hindi na bago o normal na lang nga ang reaksyon ni Euwenn sa sinabi ng mas senior co-star, madalas na raw kasi siyang sinasabihan ng ganito ng maraming tao.

Kaya’t nagpapasalamat siya na napapadali ang trabaho niya dahil aniya, “batikan po sila.”

Ginagampanan ni Euwenn sa Forever Young ang papel ng pinakabatang public servant na si Rambo Agapito.

Si Rambo ay isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang sampung taong gulang na lalaki dahil sa medical condition na panhypopituitarism.

Bukod kay Eula, kasama rin ni Euwenn sa cast sina Michael De Mesa (Eduardo Malague), Alfred Vargas (Gregory Agapito), Nadine Samonte (Judy Ann Agapito), Rafael Rosell (Albert Vergara) at James Blanco (Rigor Peralta).

Ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada Jr. kasama si Rechie del Carmen bilang associate director at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4 p.m., simula Oct. 21 sa GMA Afternoon Prime.

EUWENN MIKAELL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with