^

PSN Showbiz

Stargazer, may dama sa Kathden reunion

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Stargazer, may dama sa Kathden reunion
DOC LULU, STARGAZER AT COACH V
STAR/ File

Paano ba mapanatili ang mainit na pag-iibigan ng mga magkarelasyon at ang susi sa magandang kapalaran sa buhay? Ito ang kasama sa tatalakayin sa mga bagong programa ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama ang love experts na sina “Coach V” Vanessa Antonio at Doc Lulu Marquez, pati life coach/psychic na si Stargazer.

Makabuluhang usapan nga sa pag-ibig ang handog ng dating expert at matchmaker na si Coach V sa programang Love Konek tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m.

Bilang pasilip sa kanyang programa gabi-gabi, namahagi si Coach V ng kanyang love advice para mapanatili ang matamis na pag-iibigan ng mga magkasintahan at mag-asawa. Aniya, “Kung gusto niyong mapanatili ang pagmamahalan niyong mag-partner, ugaliing mag-hug at kiss sa inyong partner araw-araw. Dapat ang yakap ay tumatagal ng 20 segundo habang ang halik naman ay six seconds.”

Sa usaping sex naman, nariyan ang Private Talks ni Doc Lulu kasama ang radio anchor na si Imee Estareja tuwing Linggo ng hatinggabi.

Ikinagalak ni Doc Lulu ang pagbabalik ng kanyang programa sa radyo na layong magbigay ng wastong kaalaman patungkol sa sex at safe practices nito, pati makatulong na mas maging komportable ang mga listener sa mga ganitong usapin.

“Pinapahalagahan nito ang wastong sex education sa mga Pilipino para mas maunawaan nila ang kanilang sexualidad, pangangailangan, at responsibilidad bilang partner para maging mas happy sa life,” wika niya.

Samantala, nasa radyo rin muli ang respetadong psychic na si Stargazer para magbigay gabay patungkol sa ating kapalaran sa kanyang programang Feel Kita tuwing Sabado, 8 p.m.  Aniya, “Maliban sa mga horoscope at kwentong kababalaghan, nais iparating ng programa na maipaunawa ang ating inner psyche at mga paranormal force na magsisilbing gabay patungo sa ating mental at spiritual wellness. Masaya ako na muling makapagbigay ng life coaching tips sa mga tagapakinig ng Radyo 630.”

Pero nabanggit din ni Stargazer na bobongga ang magkaka-loveteam na pinu-push ng ABS-CBN and GMA. “You watch for the pairs ngayon, ‘yung mga pare-pares, ahh alam mo sa totoo lang, bobongga sila ‘yung both ABS and GMA. May pairs na mangingibabaw, bobongga lalo.”

Sinabi rin niyang maganda ang pangitain sa pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo and Alden Richards “at maraming kikiligin and lalabas na secrets.”

Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official  Facebook at YouTube pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.

Anyway, tuluy-tuloy rin ang pagbabalita at serbisyo publiko sa mga progama nitong Radyo 630 Balita ni Robert Mano, Gising Pilipinas at Teleradyo Serbisyo Balita nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, Kabayan ni Noli de Castro, Balitapatan kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, Tatak: Serbisyo kasama si Winnie Cordero, Headline Ngayon ni Jonathan Magistrado, at iba pa.

Doble-doble ang pasasalamat niya ngayon dahil sa bagong endorsement nito na ibinigay sa kanya ng mag-partner na sina Doc RJ Evangelista at Charles Arriza.

vuukle comment

COACH V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with