^

PSN Showbiz

Sexy actor na ‘di na masyadong aktibo, hayahay ang buhay sa mayamang bading!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Balik-booking daw itong si sexy actor na hindi na gaanong visible ngayon.

Wala na kaming balita kung may pelikula ba siyang ginagawa.

Ang latest lang na nabalitaan namin, nasa pangangalaga raw ito ng isang mayamang bading na matagal na palang may pagnanasa sa kanya.

Hindi pa artista itong si sexy actor, nagpapa-booking na raw ito, at okay na sa kanya ang P5K.

Nang medyo nakilala na siya at nagbida sa pelikula, biglang taas ang presyo ni aktor. Tuloy pa rin daw sa booking sa halagang 50 kiyaw na!

Nang dumami ang mga pelikulang pinagbidahan at napapansin na sa ilang award-giving bodies, biglang taas ulit ang presyo ng 500 puk!

Ayon sa ilang kaibigang press, medyo lumaki na raw ang ulo ni sexy actor. Sinuway ang manager at hindi na sumusunod sa instructions at bilin ng manager.

Hanggang sa binitawan na ito at wala na kaming ideya kung sino na ang nagma-manage sa kanya.

Ang latest na nabalitaan namin, nasa pangangalaga na ito ng mayamang bading na sinusuwerte sa casino.

Napabalitang ang laki raw nang napanalunan ni mayamang bading sa casino, at sa halagang 500 puk, nagetlak si sexy actor.

Sila na raw ngayon nitong si mayamang bading, at keber kung wala siyang pelikula. Well-maintained naman ni mayamang bading.

Pero hanggang kailan ito?
Nakitaan pa naman ng galing sa pag-arte itong si sexy actor, puwede pa talagang umalagwa ang career at maging magaling na aktor.

Sugar, kumikita sa build and sell!

“Si Lord lang talaga!” mabilis na sagot sa amin ni Sugar Mercado nang tinanong namin kung sino ang nagma-manage sa kanyang showbiz career.

Hindi na kagaya nang dati na pawang malulungkot na balita ang naririnig natin sa dating SexBomb dancer. “All glory to God! Siya lang talaga ang lakas ko. Sa Kanya lang din ako kumapit. Hindi ako matutulungan kahit ng pamilya ko. Pero si Lord lang talaga,” bulalas ni Sugar nang makatsikahan namin sa launching ng bagong ini-endorse niyang Melona Drinks ng Horizon Health and Beauty Products.

“Siya lang talaga ‘yung bukod tangi na alam ko na ilalaban ako ng mga anak ko. Ang lahat, mula sa babuyan, hanggang nag-artista ako, lahat ‘yun gabay ng Panginoon. Siya ‘yung umaayos ng buhay ko kahit pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Si Lord talaga. Lahat ng papuri at pasasalamat sa Panginoon lang talaga. Kaya kapag sinasabi, sino ang manager mo, wala po, si Lord.

“Binibiro ko, because ‘yun talaga ‘yung totoo. And kilala n’yo naman po ako since bata ako, wala pong nagbago sa akin,” sabi ni Sugar Mercado.

Bukod sa endorsement nito, may business pa siya, na ang pinakabongga ay bumobongga pa ang build and sell niya ng mga bahay.

Lahat daw nito ay ipinagpasalamat niya sa Panginoon, dahil nakakaya na niyang tustusan ang mga pangangailangan ng pamilya niya.

“Kasi siyempre ako breadwinner. ‘Yung mga anak ko wala na silang problema. May magulang ako, may kapatid ako, may pamangkin ako pinag-aaral na ‘pag maka-graduate sila, sila na ‘yung magpapaaral sa mga kapatid nila. Kasi hindi naman na ako bumabata, may anak din ako.

“Hangga’t kaya kong tumulong po, tutulong po ako,” pakli ni Sugar.

Ang isa pang ipinagpasalamat niya ay okay na raw sila ng tatay ng kanyang dalawang anak.

Naging masalimuot noon ang isyu niya sa dating asawa, pero ngayon ay okay na okay na raw sila.

“Okay na okay kami ng tatay ng mga anak ko. Sobrang okay, may fa­mily siya, kasal na rin siya, annulled kami, iba ‘yung sitwasyon ngayon. And para sa kabutihan ng mental ng anak ko, move on.

“Sobrang okay ‘yung mga kids ko sa tatay nila,” sabi pa ni Sugar Mercado.

vuukle comment

SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with