Bailey, nag-comeback!
Nagbabalik sa local music scene ang dating miyembro ng global pop group na Now United member na si Bailey May sa pamamagitan ng kanyang comeback single na Come Closer.
Isinulat mismo ni Bailey ang bagong Star Music single habang iprinodyus ito ni ABS-CBN Music operations at creative head na si Jonathan Manalo. May influences ito ng dance hall at reggaeton genre na sumasalamin sa artistic growth ni Bailey matapos niyang maging bahagi ng Now United.
Nakilala ang Filipino-British singer-actor nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother 737 Teen Edition at hinirang bilang third runner-up. Noong 2015, inilabas niya ang kanyang self-titled debut album tampok ang mga kantang Gusto Kita at Now We’re Together at umani siya ng parangal bilang Most Promising Male Singer/Performer of the Year sa 48th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Box Office Entertainment Awards.
Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang Kapamilya shows na On The Wings of Love at Maalaala Mo Kaya at regular performer sa ASAP. Naging mentor din siya sa idol survival program na Dream Maker noong 2022.
Available ang bagong single ni Bailey na Come Closer sa iba’t ibang digital streaming platforms.
- Latest