^

PSN Showbiz

Sen. Bong at Cong. Lani, may certified doktora na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong at Cong. Lani, may certified doktora na!
Sen. Bong Revilla, Franzel Loudette Bautista, at Cong. Lani Mercado

Halos ala-una ng madaling araw kahapon nang mag-Facebook live si Sen. Bong Revilla dahil sa natanggap nilang magandang balita na nakapasa ang anak niyang si Franzel Loudette Bautista sa 2024 Physician Licensure Board Exams. “Certified doktora ka na, anak!” bahagi ng Facebook post ni Sen. Bong kahapon.

Galing sila sa tulog ni Cong. Lani Mercado nang matanggap nila ang magandang balita, at mangiyak-ngiyak si Loudette sa sobrang tuwa. “Ay naku! I’m so happy for my daughter Loudette. Talagang meron na tayong certified doctor.

“Kaya haping-happy kami ni Mama. “Thank You Lord!” maluha-luhang sabi pa ni Sen. Bong.

Nakausap ko rin siya kahapon ng umaga na sobrang happy pa rin para sa kanyang anak. “Nakakatuwa, may anak na akong doktor, abogado, congressman.

“Pangarap talaga ng Daddy (Ramon Revilla Sr.) ko na magkaroon ng doktor. Hindi namin nakuha ‘yun… wala sa amin nakakuha nu’n, ang anak ko ang nakakuha.

“Lahat… si Andeng nag-premed ‘yan. Tapos, lahat kami gusto niya mag-doctor e wala talaga sa amin,” natatawa niyang pahayag.

“Isipin mo… grabe! Nakakatuwa! Nag-aaral talaga siya e. Saka itong past two weeks bago ang exams niya, nag-review ‘yan ng tatlong buwan. On her own.

“Daig pa ang nanalong senador. Ang sarap ng pakiramdam,” sabi pa ni Sen.

Ang laking achievement daw talaga sa isang magulang na may napagtapos na silang abogado at doktor.

Ang panganay na anak nina Sen. Bong at Cong. Lani na si Atty. Inah Bautista-del Rosario ang campaign manager ngayon ni Sen. Bong.

Naka-text ko rin si Cong. Lani at nakaka-touch ang message niyang ipinadala sa amin.

Naiyak daw talaga siya sa sobrang tuwa. “Super saya ko kasi parang naibigay na namin sa Panginoon ang gusto niya para sa mga anak namin.

“It’s all up to our children what will they do with the opportunities God has given them.

“I always taught by my parents na ang report card ko kay God is how I will raise my kids. So I think masaya si God. I have raised my kids well. To God be the Glory.”

Congratulations sa pamilya Revilla lalo na sa proud parents na sina Sen. Bong at Cong. Lani.

JK, aligaga sa album na para sa kanyang lola

Aligaga ngayon at talagang kinakarir ni JK Labajo ang paghahanda sa kanyang first major solo concert na juan karlos LIVE na gaganapin sa Nov. 29, SM MOA Arena.

Pero may isa pa raw siyang pinaghahandaan para sa susunod na taon, ito ‘yung isang album para sa kanyang lola.

Laking lola si JK dahil sa murang edad ay pumanaw na ang kanyang ina.

Ibinahagi niya sa nakaraang media­con nito na five days lang pagkatapos ng bagyong Yolanda, pumanaw naman ang kanyang ina.

Nasa burol raw ‘yun, nakita nila sa tele­bisyon ang blind audition sa The Voice Kids at doon nila naisip na isali siya.

Ang lola na niya roon ang talagang umalalay at nag-alaga sa kanya.

Ani JK, “What I’m focusing for next year... making it next year is an album I’m making for my lola. Napaka-colorful ng buhay niya, ang daming pinagdaanan niya… andun ‘yung buong aspect of buhay probinsya, andun ‘yung buong aspect ‘yung wild like… it was a crazy and wild life that’s for sure.”

Hindi pa raw niya maidetalye lahat at baka marami pa naman daw mabago. “I wrote like 30 songs already. It’s really more of drafts at the most. It’s really more of like rechoosing and refiltering down which songs that really stayed up,” pakli niya.

Siyempre, meron siyang Visayan songs dahil para nga ito sa kanyang lola. “Ayoko pang magsalita ng patapos because things can drastically change na who knows that I’ll be able to create something, music wise next year kung merong mga maraming project na naka-line up na mga teleseryes and movies,” sabi pa ni JK Labajo.

ACTOR

ACTRESS

DOCTOR

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with