^

PSN Showbiz

Heart, Thai superstar, Korean star, bumida sa media impact value ng PFW

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, Thai superstar, Korean star, bumida sa media impact value ng PFW
Heart Evangelista
STAR/ File

Sosyal na rin ang mga Asyano.

Mas malakas na ang fashion influence nila.

Majority nga raw sa nag-akyat ng malaking media impact value sa katatapos na Paris Fashion Week, base sa Launchmetric, ay mga Filipino, Thai at Korean celebrities.

Ayon sa article na lumabas envimedia.com, naglabas ng resulta ang  “Lectra-owned company — whose proprietary machine-learning algorithm assigns a monetary value to every post, interaction or article to measure brand impact and identify contributions to brand performance – released its latest industry report, shedding light on the most relevant voices, brands and channels at SS25 Paris Fashion Week.”

Sa pagbanggit sa data ng Launchmetrics mula sa siyam na araw na fashion event, kinumpirma nila na naghatid si Heart Evangelista ng $10.6M media impact value (MIV), pagkatapos niyang dumalo sa mga high profile fashion show ng Louis Vuitton, Dior, Balmain, Elie Saab, Schiaparelli among others sa Paris.

Ayon pa sa artikulo “Similar to the other Fashion Weeks, this season, media rose as the dominant voice at Paris Fashion Week, accounting for 58% of the total MIV. In fact, established media institutions such as Gala, Vogue US and Vogue France led the overall voice landscape, garnering  $32.2, $18.7 and $10.64 million in MIV, respectively.”

Ang Instagram ay napatunayan din pala na epektibong platform para sa mga celebrity na nagbahagi ng kanilang fashion content — habang ang impluwensya ng TikTok ay patuloy na lumalawak.

Katulad ng nakaraang Paris Fashion Week edition, ang mga Asian star nga raw ay malakas ang impluwensiya.

Sumunod kay Heart ang Thai superstar na si Apo Nattawin, na nakakuha ng $10.2 million MIV sa kanyang pagdalo sa Dior SS25 show.

Malayu-layong nakuha ni Pia Wurtzbach ang ikatlong pwesto na may $7 milyon sa MIV.

Samantala, ang Thai actor na si Freen Sarocha, isang bagong mukha sa Parisian front rows, ay gumawa ng splash sa kanyang PFW debut, na dumalo sa inaugural show ni Alessandro Michele sa Valentino.  Ang Thai star naman daw ay gumawa ng $5.9 milyon sa MIV.

Nakumpleto ng South Korean actor na si Nam Joo-hyuk ang ranking na may $5.7 milyon sa MIV.

ASYANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with