^

PSN Showbiz

Globe at SMAC, nagsanib-pwersa para labanan ang kagutuman!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay ang SMAC ng donasyon na P14.93 million bilang pagpapatibay sa layuning tugunan ang pagkagutom sa Globe’s Hapag Movement, na nagmamarka sa isang mahalagang yugto sa pagsisikap ng Globe na labanan ang kagutuman at paunlarin pa ang mga komunidad sa buong bansa kasabay ng World Food Day.

Ito na ang pinakamalaking solong donasyon mula sa isang korporasyon para sa programa ng Globe na layuning maibsan ang gutom, na susuporta sa karagdagang pagpapakain at livelihood training ng 100,000 pamilyang Pilipino.

Nakalap ang mga pondo sa second round ng partnership ng SMAC sa Hapag Movement, na nakatuon sa mga nabentang SMAC kit at sa mga points donation ng mga miyembro sa pamamagitan ng pagbili mula sa SM Store at iba pang SM retail partners mula December 2023 hanggang January 2024. Ang donasyon ay ipapamahagi sa mga pa­ngunahing katuwang sa mobilisasyon at pagpapatupad ng programa ng Hapag Movement, kabilang ang Ayala Foundation, Tzu Chi Foundation, United Nations World Food Programme, at World Vision.

Nakapagbigay ng pagkain ang Hapag Movement sa mahigit 154,000 mi­yembro ng pamilya, kung saan 2,784 na pinuno ng tahanan ang tumanggap ng livelihood training.

Hinangaan naman na ang 2,361 sa mga indibidwal na ito ay matagumpay na naipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kanilang maliliit na negosyo, na nagbigay-diin sa papel ng programa sa pagpapalago ng komunidad.

Ang unang pakikipagsosyo ng SMAC sa Hapag Movement noong 2022 ay nakalikom ng P5.5 million na napakinabangan ng 55,000 individuals and counting. Ang Ikalawang Taon ay nakatanggap ng boost mula sa partisipasyon ng 13 different brands bukod sa SMAC: SM Appliance Center, SM Beauty, SM Fashion, The Body Shop, Crate & Barrel, ECCO, Forever 21, Kultura, Levi’s, Our Home, Simply Shoes, Sports Central, at Surplus. Kasabay nito ay ang pagdoble ng online engagement para sa nakaraang holiday campaign na nagpadagdag sa pondong nakalap para sa layunin.

Inaanyayahan ng Globe at SMAC ang mas maraming kumpanya sa #UniteForHapag at magtulungang makapaghatid ng mga epektibo at long-term solutions para sa pamilyang Pilipino na nangangailangan.

vuukle comment

SMAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with