^

PSN Showbiz

Andi, pinagtatrabaho na agad ang mga anak

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Andi, pinagtatrabaho na agad ang mga anak
Lilo at Koa
STAR/ File

Pinuri ng netizens sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa pagpapalaki sa mga anak nilang sina Lilo at Koa na tumutulong na sa mga gawaing bahay. Ang daming nag-like sa reels post ni Andi na nagpapakain ng mga alaga nilang manok ang magkapatid.

Si Koa, may bitbit na balde na may lamang patuka.

Ayon kay Andi, isa sa favorite na gawin ni Koa every morning ay magpakain ng mga manok kasama ang papa niya.

Ang concern ng isang netizen, wala raw slippers si Lilo at natatandaan namin, may larawan sila ni Kao na naglalakad sa beachfront at wala rin siyang slippers.

Baka raw naman kung anong matapakan nito.

Na hindi na dapat pakialaman dahil buhay nila Andi ‘yun. Alam na nila ang gagawin sa mga anak nila.

Ogie, na-pressure sa billboard!

May sagot agad si Ogie Diaz sa pa-billboard ng TV5 sa kanyang sisimulang programa na Quizmisan na ang title. “Grabe na ang TV5! Lalo tuloy ako na-pressure! Sana ma-meet namin ang expectations ng management.”

Ang tinukoy niya na nagbibigay ng pressure sa kanya ay ang mga nakataas na Quizmisan LED billboards sa EDSA. Nakadagdag pa sa pressure niya ang caption ng TV5 sa billboard na “Hindi makakailang ramdam na ramdam na ang excitement.”

Magpi-premiere ito sa Oct. 21, 2:30 p.m. at nangako naman si Ogie na ibibigay niya at mga kasamang sina Jegs Chinel, Ton Soriano, at Kid Yambao ang best nila to have a good show.

Sa mediacon, nagbigay ng sample sila Ogie sa isang segment ng game show at nag-enjoy ang press contestants. Three thousand ang mapapanalunan sa segment na Mamili Ka na showbiz, sports at current events ang tanong, kaya madaling masagot ng mga contestant.

Ipinagmamalaki rin niya na original concept ng TV5 ang programa na pinaghalong chismis at game show. Nang nilatag sa kanya ang concept at sa dry run pa lang nila, feel na nilang magki-klik sa viewers ang concept lalo na at marami ang mahilig at interesado sa showbiz.

Ashley, ‘di kayang panoorin ang sariling eksena

Nagpasalamat si Ashley Ortega sa positive feedback na nakukuha niya at mga kasama na gumaganap na comfort women sa Pulang Araw. Mahuhusay raw sila nina Rochelle Pangilinan at iba pang comfort women ang role, lalo na sa kaso ni Ashley na madre bago naging comfort woman.

“Forever grateful for all the good feedback from our viewers and netizens. Alam ko pong ang hirap panoorin pero mahalaga sa amin na isalaysay sa ating mga kababayan ang pinagdaanan ng ating mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng mga Hapon. Oras nang marinig at malaman ang kanilang istorya.”

Mabigat ang eksena kapag tungkol na sa comfort women at may nabasa kaming comment ng viewers na kapag ‘yun na ang eksena, umaalis muna sila sa harap ng telebisyon.

Ang dami pang masasakit na eksena ang mapapanood sa Pulang Araw at isa na ang rape scene ni Sanya Lopez sa kamay ni Dennis Trillo. 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with