^

PSN Showbiz

ABS-CBN Entertainment 50 million na ang subscribers… Kapamilya, magli-lay off daw ng 100 na empleyado

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN Entertainment 50 million na ang subscribers… Kapamilya, magli-lay off daw ng 100 na empleyado
Coco Martin, Jodi Sta. Maria at Piolo Pascual
STAR/File

MANILA, Philippines — Palaki nang palaki ang online family ng ABS-CBN Entertainment matapos nitong magtala ng 50 mil­yong YouTube subscribers. Ito rin pala ang YouTube channel sa media and entertainment category na may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia.

“We are grateful to our Kapamilyas who continue to support our shows on YouTube amidst an evolving digital landscape. We share this milestone with our new and loyal subscribers alike. Since ABS-CBN’s shift to digital, our viewers have embraced YouTube as a go-to source of ABS-CBN content. We will continue to meet the increasing demand for content online through our offerings on YouTube as we make these accessible to more Kapamilyas in different parts of the world,” ayon kay Jamie Lopez, digital head ng ABS-CBN.

“Congratulations to ABS-CBN for reaching 50 million subscribers on their YouTube channel! This milestone is a testament to their commitment to providing exceptional content that resonates with millions of Filipinos and viewers around the world. We at YouTube are proud to partner with ABS-CBN in their journey to connect with audiences and tell compelling stories,” sabi naman ni Ajay Vidyasagar, managing director ng YouTube Southeast Asia and Emerging Markets.

Kasabay ng paglawak ng subscribers ay ang patuloy na paglawak din ng mga handog nila pagkatapos itong umarangkada sa digital world noong 2020 kung saan nakakapanood ng mga bagong palabas at classic shows sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Dahil dyan, mas marami pa raw aabangan mula rito tulad ng Halfmates, isang YouTube original series na ipapalabas simula Oct. 18 na pinagbibidahan nina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo, at ang Four Bad Boys and Me, ang unang digital movie ng ABS-CBN sa YouTube para sa 2025.

Patuloy rin ang pagtangkilik ng mga manonood sa Kapamilya Online Live kung saan tampok ang 24/7 livestreaming ng iba’t ibang programa nito na kasalukuyang umeere, pati na rin ang replays ng mga all-time favorite show. Meron itong unli-replay sa loob ng 21 na araw pagkatapos itong unang i-livestream at available ito sa Asia, Australia, Europe, at New Zealand.

Pwede ring maki-feel at home kahit nasa ibang bansa dahil sabay-sabay na napapanood ang Kapamilya Online Live sa mga nasabing teritoryo. Nasusubaybayan dito ang pinakabagong episodes ng FPJ’s Batang Quiapo, Lavender Fields,  Pamilya Sagrado, It’s Showtime, ASAP, at marami pang iba.

Available worldwide ang kumpletong episodes ng mga programang pumatok sa mga Pinoy tulad ng Senior High, High Street,  Can’t Buy Me Love, at Linlang.

Andun din ang Super Kapamilya.

Iba na talaga ang labanan ngayon, digital na.

Pero kahapon ay nagti-trending ang ABS-CBN dahil diumano patuloy na nararamdaman ng higanteng media outlet ang epekto ng pagkawala ng prangkisa nila noong 2020.

Diumano ay may 100 na empleyado ang maaapektuhan dahil lugi pa rin sila – mali-lay off.

Ayon sa lumabas na report ng InsiderPH, sinabi raw ng kumpanya na ang mga pagkalugi sa unang anim na buwan ng 2024 ay lumiit ng 5 porsiyento sa P2.1 bilyon, kahit na ang kita ay bumaba ng 11 porsiyento sa P7.8 bilyon.

Diumano’y natutugunan din ng kumpanya ang mga obligasyon sa utang, habang nakikipagnegosasyon sa bagong terms sa mga nagpapahiram.

Kaya ang mantra ng mga naapektuhan, mag-isip na maigi sa darating na eleksyon at ‘wag kalimutan ang mga tumulong upang hindi magkaroon ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.

At wasak dito ang puso ni Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang X account ay nag-comment ang actress sa nasabing artikulo ng “heatbreaking.”

Agad naman siyang dinamayan ng kanyang followers.

ABS-CBN ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with