^

PSN Showbiz

KathDen, mas komportable na sa isa’t isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mapapanood na simula Nov. 13 ang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Matatandaang pumatok nang husto sa takilya ang naunang pinagtambalan ng KathDen na Hello, Love, Again noong 2019. Ngayon ay talagang mas kompor­table na umano sa isa’t isa sina Kathryn at Alden. “Iyon ‘yung sakto sa story din kasi sa first part do’n lang naman nag-meet si Joy and Ethan and then how many years fast forward here we are again doing the part two. So sakto rin ang dynamics ngayon and where we are now sa hinihingi ng Hello, Love, Again,” nakangi­ting pahayag ni Kathryn sa On Cue ng ABS-CBN.

“Parang right now nag-uusap nga kami ni Kath every time kaming dalawa lang na ngayon lang talaga namin kilala ‘yung isa’t isa kasi. Before with HLG 1, wala namang ganitong chance to really talk to each other and then mas comfortable nga and familiar. And iyon ‘yung parang nagiging way namin to make this film even more effective than the first one,” pagbabahagi naman ni Alden.

Ayon sa aktor ay kailangang pakaabangan ang bawat eksena ngayon sa bagong pelikula. Para kay Alden ay isa rin ito sa mga pinakamahirap na proyekto na kanyang nagawa. “This is one of the most challenging but fulfilling projects at the moment, sobra. Kasi we have limited time here in Calgary, limited staff and crew, but at the end of the day kasi when we finish the shoot, it’s really the scenes that we have already shot eh. That’s the reward of it. So Hello, Love, Again will be a story of familiar people with different life approach or different life choices,” pagdedetalye ng binata.

Matatandaang halos dalawang linggong nag-shooting sa Canada ang buong grupo nina Kathryn at Alden. Ayon kay Kathryn ay matutunghayan sa Hello, Love, Again kung paano ang pamumuhay ng mga kababayan nating overseas Filipino workers o OFW na patuloy na nakiki­pagsapalaran sa Canada. “What we’re doing now, it’s from hard work made out of love and we just want to create a really good film. Sobra kaming naniniwala sa material. Naniniwala kami sa director namin and naniniwala kami na ‘yung mga tao mare-represent namin especially mga OFWs. Gusto naming i-share ‘yung kwento nila sa lahat ng makakapanood nito. I hope that through this film makita nila ‘yung slice of life ng mga tao na ‘to and ma-earn nila ‘yung respect,” pagtatapos ng aktres.

Vina, handa na ulit makipagrelasyon!

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Vina Morales para sa kanyang The Ultimate Performer Vina Morales Live In Concert. Gaganapin ito sa Nov. 16 sa grand ballroom ng Winford Hotel. Sobrang excited na ng actress-singer dahil muling makapagtatanghal para sa kanyang mga tagahanga. “I haven’t done a concert here. Mostly when I’m here palaging corporate shows or events, out of town concerts. But this one is ticketed. It’s been a while, mostly I’ve been away in the States,” bungad ni Vina.

Walang kasintahan ngayon ang singer-actress. Nagkahiwalay na sina Vina at Andrew Kovalcin pagkatapos ng ilang buwan nilang relasyon. “Wala na kami. I’m back to being single, ready to mingle. Wala pa pero hindi ko na masyado pinu-push ‘yon sa buhay ko. Hindi na siya priority. Kasi before nalulungkot ako ‘pag wala akong love life. Parang nakakalungkot, wala pa rin dumarating. Pero ngayon eh may dumarating, nawawala. So ibig sabihin wala pa rin talaga. So hindi ko na pini­pilit,” pagtatapat niya.

Samantala, 15 taong gulang na ngayon ang anak nina Vina at Cedric Lee na si Ceana. Ayon kay Vina ay maayos naman ang relasyon ng mag-ama. “Bakit ko naman pipigilan? Tatay niya ‘yon. Full support naman ako diyan sa relationship nila. (Reports from JCC)

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with