^

PSN Showbiz

FDCP, may restoration machine na galing sa gobyerno

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa June next year ay matatapos na pala ang termino ni direk Joey Reyes bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines o FDCP. In-assume lang daw kasi niya ang posisyon ni Tirso Cruz III na nag-resign. Kung ire-renew daw siya, matatagalan pa ‘yun.

Pero mukha namang ire-renew si direk Joey dahil wala namang puwede pang pumalit, at nakikita naman kung paano siya magtrabaho para sa film industry.

At isa sa excited si direk Joey ay dahil pangangasiwaan na ng DTI ang pagbenta ng mga pelikulang lokal sa mga susunod na state visit ni President Bongbong Marcos.

Magmula nang si Tirso ang FDCP chairman, under na ito sa DTI. Ganundin ang Film Academy of the Philippines na pinamumunuan ni direk Paolo Villaluna.

Hiwalay na ahensya na rin pala itong FAP, kaya may budget na rin sila mula sa gobyerno.

Ngayon ay aayusin na ni Secretary Cris Roque ng DTI sa FAP at FDCP kung paano ang proseso ng pagpili ng mga pelikulang ibebenta sa mga bansang pupuntahan ng pangulo sa kanyang state visit.

“‘Yun ‘yung isa natin that we can export also and we can let the people know how good we really are in that category,” pakli ni Sec. Roque.

Nakausap din namin si direk Joey, at excited siya sa ganitong suportang ibibigay ng gobyerno.

Sabi ni direk Joey, “I still have to meet with the other officers of the DTI. Pero sa pagkakaalam ko, pati nga ang Film Academy of the Philippines ay under DTI na ngayon. So, maganda.”

Hindi pa raw niya masabi sa ngayon kung ano ang proseso ng pagpili ng mga pelikulang ibebenta ng gobyerno sa mga state visit ng Pangulong Marcos.

“Nangangahulugan, DTI has to help in the selection. Producers have to help in the selection and you know there are other stakeholders who will come in to, identify which films can be shown abroad or can be sold abroad,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pang magandang balitang ibinahagi sa amin ni direk Joey ay ang ipinatayong Philippine Restoration building, dahil meron nang biniling restoration machine ang gobyerno para sa ating mga movie producer na gustong magpa-restore ng mga lumang pelikula.

“Ito lang ang tanging gobyerno na nagbigay ng pera para bumili tayo ng restoration machine?” bulalas ni direk Joey.

“‘Yung mga pelikulang luma, ‘di ba dati pinapadala pa abroad para doon maisaayos at ipa-restore? Ang gobyerno, binigyan ng pondo ang FDCP para makabili ng machine na ‘yan, para dito na i-restore ang mga pelikula natin.

“Ang laki ng respeto kasi at ang laki ng pagmamahal ng ilang personalidad sa gobyernong ito sa pelikula. Kaya inaalagaan,” dagdag niyang pahayag.

Ang target nila ay next year matatapos na ang building para sa restoration.

“Pagkatapos ng Philippine Heritage buil­ding, doon magte-train ng tao at gagamitin ang makinarya for restoration. Ang priority ngayon, i-restore ‘yung mga pelikula ng mga national artists. At i-restore ang ilang pelikula ng mga producer na gustong magpa-restore ng kanilang mga work.

“By July of next year operation na ‘yan,” masayang pahayag ni direk Joey Reyes.

Edgar Allan at Shaira, nakikipag-usap na sa mga magiging ninong

Isa si Edgar Allan Guzman sa endor­sers ng Beautederm na dumalo sa launching ng Belle Dolls na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

Isa sa pumirma at inilunsad na bagong brand ambassadors ay ang fiancée ng Kapuso actor na si Shaira Diaz, kasama sina Sofia Pablo, Miguel Tanfelix at nag-renew na si Ysabel Ortega.

Pamilya talaga ang turingan sa Beaute­derm, kaya pati mga dyowa ay kinukuha na ring brand ambassador.

Tsinika na sa amin ni EA ang mga preparasyon ng kasal nila ni Shaira.

Hindi pa masabi ng aktor ang eksaktong date, pero next year na nga raw ang kanilang kasal na gagawin sa isang simbahan, dito lang daw sa Maynila.

“Nasa stage na kami na dito na kami sa mga ninong, pinupuntahan na namin perso­nally. Siyempre, we wanna show our since­rity and faithful kami sa kanila. And siyempre ‘yung plano, lahat na-finalize na namin.

“Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, ‘yung mga maliliit na lang ang aayusin.

“Ayun! Finally okay na. Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya.

“Important ‘yung date talaga, lalo na sa church. Medyo mahirap kasi ‘yung reservation sa church. ‘Yun na lang ang inuuna namin.

“Pina-finalize lang namin talaga lahat is this year, and after that, okay na,” saad ni Edgar Allan.

Handang-handa na raw sila sa kanilang pagpapakasal, at sa proseso nang paghahanda, lalo raw nilang minahal ang isa’t-isa.

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with