^

PSN Showbiz

Mommy Pinty at Daddy Bonoy ng Gonzaga sisters, gulat na sikat sa abroad

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mommy Pinty at Daddy Bonoy ng Gonzaga sisters, gulat na sikat sa abroad
Daddy Bonoy at Mommy Pinty
STAR/File

Wow, 41 years na palang kasal ang mga magulang nina Toni and Alex Gonzaga – Mommy Pinty and Daddy Bonoy.

Pero hindi na lang sila siyempre, mommy at daddy ng sikat na magkapatid, may sarili na rin silang following.

“Hindi ko alam,” natatawang sagot ni Mommy Pinty. “Kasi nagugulat na lang ako especially sa abroad nagugulat kami ang daming nagpapakuha ng picture sa amin. Even dito sa mall.

“Dito sa Shangri-La (mall) especially sa mga SM. Nagugulat kami kahit naka-mask kami nakikilala, oh si Mommy Pinty. Tapos nasa comfort room ako paglabas ko, ‘oh si Mommy Pinty.’ Papakuha sila ng picture. Natutuwa naman ako,” chika pa niya sa amin sa press launching ng kanilang bagong endorsement na herbal tea, Paragis.

Vlogger na rin ang current job title ng mag-asawa.

Sa ngayon daw ay walang planong bumalik sa pulitika ang mister niya na kinakatuwa ni Mommy Pinty dahil nakakasama niya kahit saan.

“Pwedeng mag-travel anytime. Eh ‘pag nasa politics, umuuwi ‘yan ng mas una sa amin. Minsan three days lang, nandun pa lang kami sa ano uuwi na. So ngayon, tingnan natin meron pa namang another three years. Nagpahinga siya pero depende pa rin,” na ang tinutukoy siyempre ay sa 2028.

Pero aminado siyang “May lumalapit pa rin, pinapatakbo siya. Kaya lang enjoy na enjoy kami ngayon eh.”

“Oo, saka kahit saan kami pumunta anytime, ‘di ba. ‘Pag naging politician o balik na naman ito sa politics hindi ito makakaalis lagi,” sabi pa niya sabay tingin sa mister na katabi lang habang kinakausap namin si Mommy Pinty.

Bukod pa sa enjoy raw sila sa dalawang apo kina Toni and Paul Soriano.

“Oo, napaka-cute kasi ng apo namin. Ang sarap ng may apo. Ang feeling mo mas masarap pa sa anak. Iba ‘yung sa apo eh.”

Kaya naman, importante raw sa kanila ang kalusugan lalo na at naghihintay pa sila ng apo kina Alex and Mikee Morada.

“As a mother, I’m always looking for ways to keep our family healthy. Chef Aybs’ Paragis Tea is a product that I trust because it’s rooted in tradition and made with care,” say ni Mommy Pinty.

Sabi naman ng daddy ng Gonzaga sisters: “Taking care of our health has always been important to us,” tungkol sa Paragis tea.

At nagpa-excite pa sa kanila na sinabi ng doc na pwede na ngang mabuntis si Alex. “So right now it’s positive, it’s 60 percent okay. So by God’s grace, anytime na po.

“Even si Mikee po kasi, it’s also good for the sperm… ay! It’s also good for the men’s swimmers… reproductive organ, so actually ang number one benefit din nitong Paragis is really for reproductive. So far, praise God!”

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with