^

PSN Showbiz

JM, naninibago pa sa ginagawa ni Donnalyn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM, naninibago pa sa ginagawa ni Donnalyn
JM de Guzman at Donnalyn Bartolome
STAR/File

Hunyo nitong taon lamang nang ina­min sa publiko nina Donnalyn Bartolome at JM de Guzman ang tungkol sa kanilang relasyon. Madalas na ngayong napapanood ang aktor sa mga YouTube video ng dalaga. Ayon kay JM ay naninibago siya ngayon dahil sa pagi­ging bahagi ng content ng dalaga. “I’m still learning. Bago pa lang ako sa content creation,” nakangiting bungad ni JM.

Para sa binata ay talagang malaki ang pagkakaiba ng pag-arte sa telebisyon at pelikula kumpara sa paggawa ng YouTube video. “Ako kasi medyo hindi ko kaya i-portray masyado ang sarili ko eh. Okay ako mag-portray na ibang characters pero kapag sarili ko na medyo dyahe,” pagtatapat ng aktor.

Samantala, simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Guilty Pleasure na pinagbibidahan nina JM, Jameson Blake at ni Lovi Poe. Kahit nagpa-daring ang aktor sa naturang pelikula ay suportado naman daw siya rito ni Donnalyn. “Napanood na niya (ang movie trailer), ang galing ko daw. Iyon na nga rin, naiintindihan niya,” pagtatapos ng binata.

KD, napagod para kay Alexa

Palabas pa rin sa ilang sinehan ang pelikulang Mujigae na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad. Ginagawa pa lamang umano ang naturang proyekto ay palaging kinakamusta ni KD Estrada si Alexa. “In doing this Mujigae mini-message ko siya constantly. I’m always telling if she’s alright, kasi nakakapagod talagang maging actor, especially her. She really gives her all, kahit anong take binibigay niya talaga,” paglalahad ni KD.

Dumalo ang aktor sa ginanap na premiere night ng pelikula kamakailan upang suportahan si Alexa. Napahanga si KD sa aking galing ng aktres sa paggawa ng isang proyektong drama ang tema. “I’m very proud of her. Kasi ako sa first movie ko pa lang pagod na pagod ako pero first take ko pa lang. I really commend her,” giit niya.

Mula noon pa man ay hanga na si KD sa pagiging magaling na aktres ni Alexa. Napatunayan na rin ito mismo ng aktor sa mga proyektong pinagtambalan ng KDLex. “I’ll always support her in all the way. Kasi alam ko na sobrang nakakapagod talaga na gumawa ng movie. I know that it takes more energy out of you. The least thing that I could do for her is to message her and tell her she’s doing great,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with