^

PSN Showbiz

Manggagawa ng pelikula at telebisyon, dumagsa sa pa-ayuda ng gobyerno!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Manggagawa ng pelikula at telebisyon, dumagsa sa pa-ayuda ng gobyerno!
Bong Revilla and Lani Mercado
STAR/File

Napuno ang ULTRA sa Pasig City ng mga taga-movie and TV industry para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na proyekto ng Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Maaga pa lang ay nagdagsaan na ang mga taga-industriya na nagpalista para makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

Andun na rin ang iba’t-ibang ahensya na kung saan mag-a-assist ng iba pang mga pangangailangan kagaya ng renewal ng passport, Philhealth, NBI clearance, at iba pa.

Dumalo ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado, kasama ang iba pang pulitiko na malapit din naman sa showbiz. Kagaya nina Cong. Arjo Atayde, Cong. Erwin Tulfo, dating DILG Secretary Benhur Abalos, at Cong. Roman Romulo ng Pasig na siyang host ng nasabing event.

Dumalo rin ang pillars ng movie industry na sina Film Development Council of the Philippines Chairman direk Joey Reyes, Boots Anson-Roa ng Mowelfund, Dingdong Dantes ng AKTOR Ph, direk Paolo Villaluna ng Film Academy, at film producers na sina Roselle Monteverde, direk Perci Intalan, Bryan Diamante ng Mentorque at marami pa.

Si Sen. Bong ang keynote speaker doon at nagpapasalamat siya na hindi nakalimutan ang taga-movie industry na tulungan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

“Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan, umiikot ito sa buong Pilipinas. Namamahagi ng tulong sa ating mga kababayan. Halos 60 ahensya ng gobyerno na dinadala, para ‘yung gobyerno na mismo ang lumalapit sa tao. Hindi na ‘yung tao ‘yung lumapit sa gobyerno. ‘Yung sa DOLE, lahat ‘yan, ‘yung passport, NBI clearance, police clea­rance, Philhealth, lahat ‘yan. Napakalaking bagay nito,” pakli ni Sen. Bong nang makapanayam namin pagkatapos ng programa.

Sobrang tuwa niya nung nakita ang mga dating nakakatrabaho niya nung nagsisimula pa lamang siya. May ilang matatanda na, lalo na nung nakita niya ang dating legman nila sa mga unang pelikulang nagawa niya. “Sa totoo lang talagang nakakapangilabot… akala ko nawala na ‘yung legman ko ‘yung, first legman ko sa pelikula si Danny Labo, ‘yung tao ni direk Carlo J. Caparas.

“Wow! Buhay ka pa pala! Tapos ‘yung mga stuntmen na nakasama ko dati,” bulalas ni Sen. Bong.

Kaya talagang nagpapasalamat siya na hindi raw nakalimutan ang industriyang kinakalakihan niya.

“Tuwang-tuwa ako, ang sarap ng pakiramdam. Kaya nung si Speaker nga nung binanggit sa akin, babanggitin ko sana sa kanya, ‘Speaker, sana matulugan din natin ‘yung mga taga-industriya, Alam mo ang sagot sa akin, ‘inaayos na namin ‘yan.’ Natuwa ako!,” masayang pahayag pa ni Sen. Bong.

Sa susunod na linggo ay magsisimula na si Sen. Bong mag-taping ng sitcom niyang Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis. Ipa­lalabas ito sa GMA 7 sa December at matatapos bago magsimula ang kampanya niya.

Ate Vi, nakahabol sa MMFF!

Nakatsikahan namin doon sa ULTRA si Bryan Diamante ng Mentorque, at sinabi niyang picture lock daw ng pelikulang Uninvited ang nasumite niya sa MMFF. Umabot daw sila sa deadline ng Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya na-submit nila ang pelikulang Uninvited ni Vilma Santos na dinirek ni Dan Villegas.

Kaya huwag na tayong magulat kung makakapasok ito sa lima pang finished films na isasali sa 50th MMFF.

Nagsisimula nang mag-preview ang screening committee ng MMFF, at ang exciting dito, alam naming magaganda ang mga una nilang napanood.

Isinumite ang Idol: The April Boy Regino Story na kung saan mga bagong mukha ang gaganap at talagang pinagsugalan ito ng Waterplus Productions na isinulat at dinirek ni Efren Reyes.

Proud naman si direk Joel Lamangan sa kanyang Fatherland na kuwento ng mag-amang ginagampanan nina Allen Dizon at Inigo Pascual.

Pero matindi ang major support na sina Cherry Pie Picache, Richard Yap, Angel Aquino, Ara Mina, Mercedes Cabral, Max Eigenmann at marami pa.

Family drama naman ito, kaya dito sa finished films talaga magkakahirapan sa pagpili.

Sa pagkakaalam namin, isinumite na rin ang horror na Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.

Meron din ang Mavx Productions na comedy/drama naman sila, itong ConMom nina Paolo Contis, Patrick Garcia, Kaye Abad, Empoy Marquez at Kit Thompson.

Pero marami pang pelikulang kaabang-abang na isinumite, kaya exciting itong announcement ng lima pang pelikulang bubuo sa sampung entries ng 50th MMFF.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with