^

PSN Showbiz

Kaori At Jeremiah, bida sa digital romcom na halfmates

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kaori At Jeremiah, bida sa digital romcom na halfmates
Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo

Bonggang kilig vibes ang hatid nina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo na bibida sa pinakabagong romantic-comedy series ng ABS-CBN na Halfmates simula ngayong Oktubre 18, 5:30 p.m., sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Sa kanilang pagbabalik-tambalan, mga bagong karakter ang paniguradong mamahalin ng kanilang fans sa katauhan nina Dani (Kaori), isang masayahing ex-OFW, at James (Jeremiah), isang tahimik at structured na lalaki. Sa hindi inaasahang sitwasyon, mapipilitan silang magsama sa iisang bubong matapos silang maloko sa isang double sale scam.

 Mas magiging mahirap pa ang kanilang sitwasyon lalo pa at milya-milya ang layo ng kanilang mga ugali. Makuha pa kaya nilang magtulu­ngan sa kanilang aso’t pusang relasyon? Magkaroon kaya ng tsansa mapunta sa pag-iibigan ang kanilang pagsasama sa iisang bahay?

Sa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives, ang Halfmates ay idinirehe ni Raz dela Torre, isinulat ni Chie Floresca at Akeem del Rosario, kasama ang creative manager na si Arah Jell Badayos.

 Muli ngang mapapanood ng mga Kapamilya sina Kaori at Jeremiah sa Halfmates matapos magkasama sa hit series na He’s Into Her, Fractured, The Four Bad Boys And Me at movie na Love At First Stream.

Unang nakilala si Kaori bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Otso bago nakasama sa blockbuster movie A Very Good Girl at award-winning adaptation series What’s Wrong With Secretary Kim, habang nagsimula naman si Jeremiah sa Make It With You, na kalaunan ay nakasama sa cast ng  Unbreak My Heart at Pamilya Sagrado.

Pakiramdamn nila kaya matagal din siyang hindi nagkasama ay dahil talagang naghintay sila ng magandang material na babagay sa kanila. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with