Marian, nagliliyab ang pakiramdam
Apaw ang Kapuso stars at iba pang celebrities sa red carpet premiere screening ng critically acclaimed satirical movie ni Marian Rivera na Balota na ginanap sa Cinema 11 ng Gateway 2 Cineplex nitong Biyernes. Dinagsa rin ito ng napakaraming fans ni Marian.
Siyempre, pinangunahan ang star-studded attendance ng mister ng aktres na si Dingdong Dantes na nagpaka-guest relation officer sa pag-iikot at pagbati sa mga dumalo bago ang screening.
Present sa okasyon ang GMA execs na sina Annette Gozon-Valdes at Lilybeth Rasonable, Jacqui Cara ng Triple A (All Access to Artists) management team at Kapuso artists na sina Pokwang, Kyline Alcantara (kasama si Kobe Paras na laging holding hands), Ruru Madrid, Bianca Umali, Kate Valdez (kasama si Fumiya), Kristoffer Martin, Boobay, Tekla, celebrity vloggers na sina Ivana Alawi, Zeinab Harake, magdyowang Kim Molina at Jerald Napoles at maraming-marami pang iba.
Tulad sa inaasahan, rave ang mga nanood sa ipinakitang husay ng Kapuso Primetime Queen bilang “deglamorized” teacher na si Emmy Rivera, na isinugal ang buhay niya at ng kanyang pamilya mapangalagaan lang ang mga balota.
Palakpakan ang mga nasa loob ng Cinema 11 pagkatapos itong ipalabas.
Proud husband moment muli ang gabi para kay Dingdong na nag-post pa sa Instagram kung gaano siya kabilib sa naging pagganap ng asawa. Aniya, “Experiencing this movie for a second time, and watching my wife dominate in her role, fills me with immense pride. Congratulations, once again, to the whole team!”
Matatandaan na ang Balota ang kauna-unahang Cinemalaya film ni Marian sa ilalim ng direksyon at panulat ni Kip Oebanda.
Ito ang isa sa Cinemalaya Bente box-office hits at nagbigay sa aktres ng kanyang first Balanghoy trophy bilang best actress, among other awards.
Maganda namang himayin ang eksena sa pelikula lalo na at ang daming kakandidato sa 2025 mid-term elections.
Produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya, nagkaroon din ito ng screening sa 44th Annual Hawaii International Film Festival sa Hawaii noong Oct. 6. Napanood ito sa Consolidated Theaters Kahala nitong Oct. 12 at sa Lanai Theater at Hale Keaka naman sa Oct. 21. “Hindi ko maipaliwanag ‘yung pakiramdam ko after kong matapos ‘yung Balota, parang palagi kong sinasabi lalo na sa asawa ko na ‘alam mo ‘yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit ‘yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho.
“Posible pa pala. Pero higit sa award, ang regalong natanggap ko ay ang muling pagliyab ng aking pagmamahal sa paggawa ng pelikula, dahil sa inspirasyong ibinigay sa akin ng Cinemalaya community,” sabi ni Marian.
Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula Oct. 16.
Aktor, P10 milyon ang kinita sa isang political campaign
Wow, P10 million pala ang talent fee ng isang actor sa lalabas na political ad ng isang kandidato sa national position.
In the bag na diumano ang nasabing halaga.
Actually, siguro nga bread trip na lang ito para sa actor dahil saan mo nga naman pupulutin ang P10 million kahit pa sabihing mababawasan ito ng tax.
Mayaman na ang actor at kung tutuusin wala naman siyang pinakakaing pamilya.
- Latest