^

PSN Showbiz

Herlene, kinilig kay Tony

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Herlene, kinilig kay Tony
Herlene Budol

Huling nagbida sa isang serye si Herlene Budol noong isang taon sa Magandang Dilag ng GMA Network. Ngayon ay mu­ling magbibida ang Kapuso actress sa Binibining Marikit na malapit na ring mapanood sa GMA afternoon prime block. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Herlene sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng serye. “May kaba, may pressure. Kasi from Magandang Dilag ibang-iba raw talaga ito. Natatakot ako na kaya ko bang tapatan ‘yung last time,” pagtatapat ni Herlene.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatrabaho ng dalaga si Pokwang sa isang serye. Nagkatrabaho na ang dalawang aktres sa variety show na TikToClock. Matagal na umanong pinapangarap ni Herlene na makaeksena sa serye ang komedyana. “Siya pa ho ang nagbalita sa akin na, ‘Anak, ready ka na ba?’ Sabi ko, ‘Bakit?’ ‘Bakla ka, ako ang nanay mo sa palabas mo.’ So ako, ‘Talaga? ‘Di nga?’ gano’n ‘yung reaction ko,” nakangiting kwento ng dalaga.

Isa sa magiging katambal ni Herlene sa bagong serye ay si Tony Labrusca. Ngayon pa lamang makagagawa ng isang proyekto ang aktor sa Kapuso network. “Kinilig naman ako. Kasi siyempre ang gwapo naman talaga lalo na sa personal. Pero before nagkakasama-sama naman kami sa labas, mga friends,” paglalahad ng Kapuso aktres.

Zephanie at Michael, iba na ang friendship

Naugnay noon sa isa’t isa sina Zephanie at Michael Sager. Naging masaya naman umano ang singer sa kung ano man ang mayroon sa kanila ng singer noon. “I think we really tried to maintain whatever we had before pero naniniwala din po kasi ako na seasonal ‘yung mga friendships and mga relationships mo with certain people. So, for me, I’m really content and fulfilled with that season na we had,” makahulugang pahayag sa amin ni Zephanie sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa MAKA star ay talagang malaki na ang nagbago sa turingan nila ni Michael. “Wala naman nangyaring breakup just to clear it out. Pero I think ‘yung friendship namin talagang nagbago na siya ever since hindi na kami nakakapag-work together and marami nang nangyari,” giit ng dalaga.

Walang problema kay Zephanie kahit na nagkakatrabaho silang dalawa ng binata ngayon.

“Again, walang anything bad against each other. We’re still able to work naman po sa All-Out Sundays and we’d talk and it’s such a nice feeling to be able to do that, to still work with him in a different way,” nakangiting pagbabahagi ng singer-actress. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

HERLENE BUDOL

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with