Geraldine, naka-chika si Ne-Yo sa business class
Lucky flight ang nasakyan ng upcoming singer / actress na si Geraldine Jennings papuntang London.
Ito ay matapos niyang makasabay sa flight ang international singer na si Ne-Yo sa nagkaroon ng two-night sold out concert sa Araneta Coliseum.
Yup, sobrang sikat pa pala siya sa Pinoy fans kaya naman suwerte si Geraldine na sa business class ng kanyang sinakyang eroplano pabalik ng London, halos katabi niya ito.
Sinabi ni Geraldine sa kanyang post na nilapitan niya ang Amerikanong mang-aawit para sa isang selfie at nagkausap sila sandali tungkol sa ‘music.’
Aside from Ne-yo, nakasakay rin niya si Jaime Zobel de Ayala. “An interesting airplane ride today. Met Sir Jaime Zobel De Ayala. Had a good chat with him and He distinguished me immediately that I was Irish. Such a modest & down to earth man, just travelling alone on a business trip,” caption naman ni Geraldine sa kanyang post katabi si Sir Jaime.
Wow. Sana all.
- Latest