^

PSN Showbiz

Dennis, nag-crop top sa Disneysea!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, nag-crop top sa Disneysea!
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
STAR/ File

Kinaaliwan ang pagsusuot ni Dennis Trillo ng crop top sa Disneysea, Tokyo.

Ipinost ng mister ni Jennylyn Mercado ang TikTok video niya kung saan makikita silang magka-holding hands ng misis habang namamasyal sa Disneyland at naka-crop top siya.

Kering-keri nga ng aktor ang pagsuot nito kahit nakalabas ang kanyang tiyan sa striped blue na crop top.

Lutang ang muscles at tattoos niya sa video na umani ng 2.6 million views.

Maaalala kasing nagsuot na rin ng crop top ang two-time Olympic gold gymnast na si Carlos Yulo kaya marami ang gumaya sa kanya at iba-ibang version pa.

Hinangaan pa ang atleta dahil sinira raw nito ang toxic masculinity.

Hindi raw nagpahuli si Dennis sa trend na nag-ala Carlos daw.

Komento naman ng netizens bakit daw bumagay kay Dennis ang crop top na marami ang naka-appreciate. Lumutang daw kasi ang kapogian nito at nagmukha pang astig.

Mabuti nga raw ay kinakaya ni Jennylyn ang kakulitan ng tatay ni Dylan na mukhang tinanggap na lang nito.

Suportado nga nito ang kalokohan ng mister at sinasabayan niya na rin.

Mula sa pagiging drama actor ay naging komedyante na ito at dinala pa talaga niya ang kalokohan sa Disneysea.

Bongga.

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with