^

PSN Showbiz

Tessie,humingi ng tawad

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Tessie,humingi ng tawad
Tessie Tomas.
STR/ File

 Malagim ang sinapit ng karakter ni Tessie Tomas bilang si Donya Bettina sa FPJ’s Batang Quiapo. Sa istorya ay pinagbabaril ang pamilya ni Donya Bettina na dahilan ng kanilang pagkamatay sa serye. Na-trauma umano si Tessie dahil ngayon lamang niya ito naranasan sa isang proyekto. “Traumatic kasi never pa akong nabaril sa buong career ko,” bungad ni Tessie sa ABS-CBN News.

Naalala ng beteranang aktres ang namayapang kapatid dahil sa naturang eksena. Nakaranas ng brutal na pagkamatay ang mahal sa buhay ni Tessie ilang dekada na ang nakalilipas. “I had a brother who was accidentally shot and died when he was only 22,” pagbabahagi niya.

Samantala, nakaranas ng pamba-bash online si Tessie dahil sa naging karakter sa serye. Maraming masasakit na salita ang ibinato ng netizens kahit pumanaw na ang karakter ng aktres. “Iba ang acting ko rito, parang napaka-evil ko na rin eh. Patay na ako ang dami pa ring namba-bash. Tigilan n’yo na ho, mahabag naman kayo. Humihingi ako ng tawad sa mga naasar sa akin, nasuklam man lang, pero role lang po ‘yan. Mabait po si Tessie sa totoong buhay,” nakangiting giit ng beteranang aktres.

Rufa Mae, ayaw mag-feeling lola

Masayang-masaya si Rufa Mae Quinto dahil nakikilala na rin ng mga kabataan ngayon. Para sa komedyana ay nakatataba ng pusong malaman na mayroon na rin siyang mga tagahangang higit na mas nakababata sa kanya. “Thank you so much. I love you guys. Siguro nakaka-feel sila ng mommy, tita. Mommy na, tita pa, ‘wag lang lola ha. Ang dali-dali lang ng joke ko, ‘di ba? ‘Go! Go! Go!’ ‘No! No! No!’ ‘Todo na ‘to!’ Wala namang hirap maintindihan,” nakangiting pahayag ni Rufa Mae.

Napasikat ng komedyana ang katagang “Go! Go! Go!” mula nang ipalabas sa mga sinehan noong 2001 ang pelikulang Booba. Mula noon ay tumatak na sa mga manonood ang linya ni Rufa Mae dahil sa proyektong pinagbidahan. “Kasi ang meaning naman no’n ay napakarami kaya ko rin laging sinasabi. Kasi wala ka nang magawa sa buhay, ‘di ba? Ano pa bang masasabi, magagawa mo? Eh di go, go, go na lang. Saka ngayon dapat matutunan n’yo ring mag-‘No! No! No!’ ‘di ba? Kasi lagi na lang go,” natatawang dagdag ng aktres.

Kabilang si Rufa Mae sa Mujigae na pinagbidahan ni Alexa Ilacad. Napapanood pa rin sa mga sinehan ngayon ang naturang pelikula. Kahit mahigit dalawang dekada ang agwat ng edad nina Rufa Mae at Alexa ay agad daw silang nagkasundo. “Nakakatuwa nga siya. Lahat sila parang feeling close talaga. Parang first time naming magkasama o magkakilala. I’m not sure kasi bata pa pala siya artista na siya eh. Siyempre do’n tayo sa GMA dati so hindi ko siya nakatrabaho pa,” paglalahad ng komedyana.

(Reports from JCC)

TESSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with