^

PSN Showbiz

Sapul ang ibang artista‘dapat may utak ka’ – Ivana

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sapul ang ibang artista�dapat may utak ka� � Ivana
Ivana Alawi
STAR/File

Maraming artista ang nakapag­hain ng certificate of candidacy para sa nalalapit na eleksyon. Mayroong ilang nagtanong kay Ivana Alawi kung naisipan o binalak ba na sumabak din sa pulitika. “Bakit naman ako tatakbo ngayon? Wala akong alam sa politics. Wala akong alam sa paggawa ng batas. Siguro kung papasok man ako, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years because I don’t want to put our country at risk,” pagbabahagi ni Ivana.

Para sa dalaga ay hindi naman kinakailangang maging pulitiko ang ang isang taong may layuning makatulong sa kapwa. Ayon kay Ivana ay wala naman siyang problema sa mga kasamahan sa industriya na kakandidato sa halalan sa susunod na taon. “A lot of people would say, ‘Eh kasi gusto ko makatulong sa Pilipinas, gusto ko makatulong sa kababayan natin.’ Kayang-kaya natin gawin ‘yon even without being into politics. Kahit wala kang position, wala kang upuan kaya mong makatulong. Hindi mo kailangang maging congressman or mayor or councilor para makatulong ka. We can all help out in our own small ways. ‘Pag papasok ka sa politics at ipaglalaban mo ang Pilipinas, dapat may utak ka. This is my opinion, my thought, and my answer to the messages that I’ve been getting,” giit ng aktres.

Mayroong pakiusap si Ivana para sa lahat ng botante upang maging maayos ang kalaga­yan ng bansa sa mga susunod na taon. May mensahe rin ang aktres para sa lahat ng kandidato upang makapaglingkod nang mabuti sa mga kababayan. “Please vote wisely kasi mahal natin ang Pilipinas. I believe aasenso ang Pilipinas as long as we pick the right leaders and the right people to lead the country. Sa gustong tumulong, tulung-tulong tayo. Dapat dedicated ka at give your all. Dapat alam mo ‘yung ginagawa mo at mahal mo ang ating mga kababayan. Ang nasa utak mo lagi is them. Kung makasarili ka, ‘wag ka nang tumakbo,” pagtatapos ng dalaga.

Puso ni Jillian, may nagpapatibok na

Labingsiyam na taong gulang na si Jillian Ward. Wala mang kasintahan ay aminado naman ang dalaga na mayroong nagpapakilig sa kanya ngayon. “Wala po akong boyfriend pero minsan kinikilig po talaga ako ngayon,” nakangiting bungad ni Jillian sa 24 Oras.

Ayon sa Kapuso actress may mayroon ding gusto sa kanya ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. “Ito na lang po, so ‘yung gusto ko kasi hindi niya alam na gusto ko siya. Hindi naman po one-sided kasi apparently, gusto niya din daw ako pero ‘di ko sinasabi sa kanya na gusto ko din kita, gano’n,” pagtatapat ng dalaga.

Ibinihagi ni Jillian sa publiko kung ano ang mga katangian ang kanyang hinahanap sa isang lalaki upang maging kasintahan. “Siyempre God-fearing, gusto ko po very family-oriented. Naniniwala po kasi ako na kung paano niya mamahalin ‘yung family niya, ganoon niya rin po ako mamahalin. Gusto ko po very honest sa sarili niya at may paninindigan. Iyon po ‘yung pinaka-importante para sa akin and hardworking. Gusto ko po ‘yung mabait talaga and ‘yung hindi po siya pretentious,” paglalahad ng Kapuso actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with