^

PSN Showbiz

May warning... Rufa Mae, bawal gawing katatawanan ang mister

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
May warning... Rufa Mae, bawal gawing katatawanan ang mister
Rufa Mae Quinto

AAktibo na ulit sa showbiz si Rufa Mae Quinto. Regular na hurado siya ngayon sa KalokaLike segment ng It’s Showtime at  wish niya na maging regular co-host siya sa daily noontime show ng Kapamilya network na napapanood sa GMA 7.

Aniya, ka-batch niya sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, idolo niya si Vice Ganda at parang pamilya na ang turingan nila ng iba pang hosts tulad nina Ogie Alcasid, Karylle, among others.

Pero mabuti at pinayagan siya ng mister na maging aktibo ulit sa showbiz?

“Oo, nung una iniisip ko na umalis pero ‘yung asawa ko very supportive, you know, sinasabi niya, that’s what you’re good at. Basta diyan ka magaling, sinasabi niya, tuloy mo ‘yan.

“Kaya ako, naniwala ako sa kanya kahit na hindi naging madali para sa aking maniwalang nandito pa ‘ko.

“Kasi syempre ‘di ba nagkaanak, e usually ‘pag ganun ‘di ba... natutuwa ako kasi naging malinaw sa akin ‘yung pagiging maganda ‘yung joke ko mula noon kaya ngayon ‘yun ‘yung sa tingin ko kung bakit lahat ng generation kuha nila eh,” chika niya sa ginanap na media conference ng pelikulang Mujigae kung saan meron siyang important participation.

At in all fairness daw sa mister niya, wala itong restriction sa pagbabalik niya sa trabaho. “Wala naman... basta mabuti. ‘Yung anak lang namin, huwag masyadong ipakilala na hindi mabuti. ‘Yung ganon basta ingatan ko ‘di ba. Tapos siya rin very private sila. Gusto lang niya lagi may respeto. ‘Yung pamilya rin niya. Hindi sila showbiz. ‘Yun lang naman ‘yung request niya. Alagaan ko at ‘wag silang gawing katatawanan. Basta respeto lang ganon,” katwiran pa niya.

At kahit daw sinasama niya ang anak nila sa mga showbiz event, ayaw nitong mag-artista.

“Gusto lang niya, kausap Daddy niya. Dun lang sila. Isa rin ‘yun siguro. Kung bakit ayaw na niya sumama.”

So malabo itong mag-showbiz? “Parang hindi pa. Kasi gusto niya maging YouTuber. Pero ‘pag 1 million subscribers na raw. Doon pa lang ang face reveal. Pero definitely napakagaling na editor. Imagine mo seven nag-i-edit na. Grabe, oo, ang galing. Tapos ‘yung animation parang hindi niya gawa. Amazing, very mature,” sabi niya patungkol sa anak.

At handa naman daw siyang bumalik sa pagpapa-sexy sakaling kailangan sa isang proyekto. “Sa akin naman kung kailangan, okay naman. Eh ako, walang problema magpa-sexy. Basta ‘wag lang ano....”

Anyway, sa Mujigae ay isang mommy ang role niya.

Pero ano ‘yung na-realize niya ngayong isa na rin siyang ina?

“Na-realize ko po na respetuhin bukod sa pagmamahal. Learn from them. Makinig din tayo sa sinasabi nila. At kung sino gusto nila. Hindi ‘yung imo-mold ko sila sa isang taong hindi naman sila. ‘Yun ang feeling ko bilang ina. Iyong hahayaan ko silang mag-grow. Nandiyan ako to make sure na iga-guide. Inaalagaan ko siya. Pero, gusto ko siyang magkaroon ng sariling siya. Be unique, be happy,” seryosong sagot ni Rufa Mae.

vuukle comment

ACTRESS

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with