^

PSN Showbiz

Alexa, nag-ala Olivia!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alexa, nag-ala Olivia!
Alexa Ilacad

Naka-Olivia Rodrigo outfit pala si Alexa Ilacad nang manood ng GUTS concert ng kanyang idolo na naganap last weekend sa Philippine Arena.

Aniya sa caption : “a spicy pisces who spilled her GUTS in Manilaaaaaaa!! What an experience! Mabuhay ka, Olivia! #GUTSWorldTourManila #GUTSInManila.”

Naka-red dress siya at kumpleto pati ang accessories.

Marami ngang hindi pa nakaka-move on sa concert ni Olivia sa Pilipinas na aniya ay “been dreaming of this show for a whileeeee. my first time in the Philippines and also my biggest venue ever!!!!! thank you to everyone Manila for welcoming me so generously and making me feel so loved.”

Anyway, ninerbyos pala si Alexa kay Kim Ji-soo kung saan magkatambal sila sa pelikulang Mujigae. Actually, dumating pa raw sa point na na-intimidate siya. “At first, I was a bit nervous and not going to lie, medyo naintimidate talaga ako kay Ji Soo kasi ang tangkad (6’2).”

Eh 5’2 lang pala siya.

“Hindi ko siya matingnan nang diretso, nakatingala ako,” chika ni Alexa sa ginanap na media conference ng pelikula last week.

Pero aniya, mabilis naman siyang naka-recover.

“I’m really, really excited, because I know how professional Korean stars are. And I never really worked with anyone na Korean star, so the first time I worked with Ji Soo, it was for the... So parang in a way sinabak na agad kami sa trial scene without really the formal introduction, so I was a bit intimidated, but I saw naman with my eyes, na open naman siya.

“So with the emotion, he can understand me right away. Tapos ayun day by day natutuwa po ako sa kanya kasi nakita ko na nag-o-open up siya sa aming lahat like sa una seryoso siya pero nung pang ilang shoot na namin nakikipagbiruan na siya, nagjo-joke na siya, tapos nagpapaturo po siya mag-Tagalog,” mahaba-habang kuwento ng Kapamilya actress.

“So dun natutuwa ako, kami ni ate Cai (Cortez) kasi madalas kong ka-eksena. Natutuwa ako sa kanya nagpapaturo siya mag-Tagalog. Tapos nagkikwento siya about his life in Korea, tungkol sa dogs niya, tapos mahilig din siya sa mga stray animals. So, sabi ko, ay magiging friends tayo,”sabi pa ni Alexa.

Anyway, ang Mujigae (rainbow sa Ingles) ay isang Pinoy-Korean family drama. Tungkol ito sa limang taong gulang na ampong si Mujigae (Ryrie) na mauulila sa Korea at uuwi ng ’Pinas sa pangangalaga ng estranged aunt niyang si Sunny (Alexa) na eventually ay tatayong mother figure niya.

Magugulo ang mundo ng dalawa sa pag-eksena ng Koryanong ama ni Mujigae na si Ji Sung Park (Ji-Soo).

Mula sa direksyon ni Randolph Longjas, magbubukas ito exclusively sa SM Cinemas ngayong awar, Oct. 9.

Ang Mujigae ay handog ng UxS (Unitel x Straightshooters).

ALEXA ILACAD

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with