Misis ni Chiz, kasama sa listahan ng mga nag-akyat ng milyon dolyares sa PFW
Sabak naman kaagad sa trabaho si Heart Evangelista pagdating niya ng Pilipinas matapos niyang patunayan na patuloy siyang nagdadala ng milyong dolyar na halaga ng exposure sa mga international fashion event.
Sa isa sa mga pinakabagong post sa website ng Lefty, pasok siya bilang isa sa mga nangungunang 10 influencers sa ginanap na Paris Fashion Week, kasama ang iba pang mga kilalang pangalan tulad nina Kylie Jenner, Cardi B, at Cha Eunwoo.
Ayon sa post, nagdala si Heart ng $5.1 milyon na halaga ng EMV sa 15 shows PFW.
Ang Lefty ay isang platform para sa marketing ng mga influencer.
Sabagay millions ang views niya sa mga Reel gamit ang mga OPM song.
As in parang napaghandaan niya ang tatlong fashion week na dinaluhan niya - Milan Fashion Week, Paris and Thailand Fashion Week.
Nag-post siya ng maraming beses sa Instagram tungkol sa PFW kabilang na ang mga behind the scenes nila ng kanyang glam team.
Na kahit mga luxury brand ang kanyang sinusuot at wearable kaya’t inaabangan ng kanyang followers.
- Latest