Mid-term elections, magiging star-studded
Talagang star studded ang magaganap na mid-term elections.
Parami ang mga celebrity na humahabol sa pagpa-file ng certificate of candidacy.
Tho si Marjorie Barretto kumbaga ay expected na dahil nauna na siyang nag-ikot sa ibang lugar sa Caloocan na minsan daw ay kasama pa si Gerald Anderson.
Pero aniya ay pinag-isipan niyang mabuti ang pagbabalik sa politika, kung saan lalaban siyang konsehal sa Caloocan.
Post niya : “After a lot of thought, prayers and clear signs, i filed my COC for City Councilor yesterday under #TeamAksyonAtMalasakit
“These past few months has been quite a journey… the thought of going back to public service after more than 10 years has been challenging, terrifying and exciting. Grateful to Mayor Along Malapitan and Congressman Oca Malapitan for their trust and confidence in me. I have gained a renewed sense of purpose .”
Pero sino kaya ang mga hahabol ngayong araw sa pagpa-file ng COC?
Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa 2025 midterm polls ay hanggang ngayong araw na lang, October 8 na nag-umpisa noong October 1.
Kabilang nga rin pala sa mga nag-file ng COC kahapon, sina Aljur Abrenica, Cai Cortez, Abby Viduya, Ryan Yllana, Yeoj Marquez, at Shamcey Supsup.
Anyway, ang payo ng iba, panoorin nila ang pelikulang Balota ni Marian Rivera na napanood sa ginanap na Cinemalaya Filmfest at malapit nang mapanood sa mga sinehan - October 16.
Sa talk back session sa Cinemalaya ay ibinahagi ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng Balota: “Ang pelikulang Balota ay wake up call para sa atin. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako,’ sana na-realize ng mga tao ‘yun.”
- Latest