Naging gf lang si Kyline, Kobe naging isnabero!
Naku Salve huwag mo nang itanong kung ano sinabi ni Kobe Paras tungkol kay Kyline Alcantara dahil naloka talaga ako nang sagutin niya ako ng ‘please walang bastusan, Kyline is my girlfriend’ sabay talikod at irap sa akin.
Talagang laugh ako dahil para bang sobra sa pagmamalaki si Kobe na girlfriend niya si Kyline.
Sobrang lucky ni Kyline ha dahil proud na proud ang BF sa kanya. Talagang para bang precious trophy na dapat ipagmalaki sa lahat. Naokray tuloy ako nung sabihin ko na mas bagay sa kanya kung level nina Sharon Cuneta o Kris Aquino (nung kabataan nila) ang dapat sa kanya.
At talagang hindi siya nag-goodbye sa akin, snob ako totally, hah hah. Laugh na lang kami ni Benjie Paras kaya nalimutan ko tuloy itanong bakit sila nandun.
Pero sa totoo lang, gusto ko iyon ugali ni Kobe na very transparent sa feeling niya. Ipinakikita niya kung ano ang nararamdaman niya hitsurang isnabin niya ang mga tao na feeling niya hindi niya kakampi.
But not for anything bagay sila Kobe at Kyline
Sana nga magtagal sila.
Jericho, swerte sa lavender
Hindi na ba talaga sa free TV nanonood ang mga tao?
Naloka ako sa nabasa ko na nakakuha ang drama-thriller series ng ABS-CBN na Lavender Fields ng 755,332 peak concurrent viewers ang episode nito noong Biyernes (Oct. 4).
Kaloka ganun karami?
Sunud-sunod daw na binasag ng serye ang viewership records nito nang makakuha ang episode noong Miyerkules (Oct. 2) ng 657,514 views, na nilampasan ang dati nitong record simula noong pagpalabas ng pilot episode, habang ang episode nitong Huwebes (Oct. 3) ay umabot sa 748,268 views. Nang sumunod na araw (Oct. 4), nilampasan daw ng episode na ito ang viewership record ng serye sa ikatlong pagkakataon nang makakuha ito ng 755,332 views.
Bongga. Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang Lavender Fields dahil sa pasabog na mga rebelasyon nito. Pinagbibidahan ito nina Maricel Soriano, Janine Gutierrez, at siyempre nina Jodi Sta Maria at Jericho Rosales.
Sosyal ang comeback teleserye ni Jericho Rosales. Hamakin mo ang tagal niyang namahinga sa pag-arte tapos ang comeback niya, ayan panalo sa rami nang mga nanonood.
Ito kaya ang rason kaya sabi nila mura na ang presyo ng mga TV ngayon?
Pero sa totoo lang, lumang tao ako noh kaya naman sa TV talaga ako nanonood.
Wa ako care sa iba kung sa laptop or iPad sila nanonood. Basta ako sa TV.
- Latest