Olivia, nag-all-out sa Pinoy fans!
Bravo Olivia Rodrigo! Super hit ang concert sa Philippine Arena. Mismong ang Cignal boss ang nagsabi, “Olivia Rodrigo is very very talented. And she’s only 21. Amazing song writer. She’s giving it all on stage for her Pinoy fans. Didn’t think I’d enjoy it this much.”
Ang galing din lang para kay Boss Jane Jimenez-Basas na sabihin ito kahit may earlier experience siya sa singer na nag-back out sa isang project nito ha! Erase erase na ‘yun at good vibes na lang.
Ang naging common problem lang ng mga tao ay ang paglabas ng parking talaga at pag-uwi.
Miss Cosmo Philippines rep, consistent ang malas sa pageant
Ang daming mga Pinoy ang nag-react na parang niluto o cooking show daw ang Miss Cosmo na naganap sa Vietnam at muli nalotlot (natalo) ang kababayan natin tulad ng nangyari sa kanya sa Miss Universe Philippines. Bakit, ‘di ba?
Si Ahtisa Manalo ay naging Miss International 1st runner-up the year after Kylie Verzosa won the title.
Bakit inaalat na siya sa beauty contests ngayon? Umabot pa sa na-sprain pa siya at ‘di nakadalo sa ibang activities ng Miss Cosmo.
Ito na ba ang katapusan ng kanyang pagiging beauty kontesera – o hihirit pa ba siya ng isa pa sa Miss Universe Philippines?
Abangan!
Sarah, inawitang ibalik sa ASAP?!
Road to ASAP 30 na at sa February ang ika-30th anniversary nito sa ere.
Ang tanong, magiging permanente na kaya ulit si Sarah Geronimo sa ASAP at hindi ‘yung pasulpot-sulpot na guesting lang?
Kung hindi na nagwo-work na ‘yung mga senior host ang nagdo-dominante sa ere, paano magmukmukhang fresh ang segments na ito at hindi ‘yung gown at pormal na damit sa katanghalian?
Paano kaya mapapa-guest ‘yung trending talents na usually ay umiiwas sa mainstream TV pero nakakapuno naman ng big concert halls?
Ano pa kayang segments ang puwedeng mabuo na may konek sa audience at ikatutuwa ng mas maraming manonood?
Mas kilala naman nang ‘di hamak ang mga taga-ASAP kaysa sa mga taga-All-Out Sundays, at mas maraming Kapamilya ang mas matibay ang brand at maraming endorsements, pero as a show, bakit mas mataas ang ratings ng AOS?
Ella May Saison, nag-back out sa concert
Dahil sold-out ang In The Company with the APO Hiking Society sa Music Museum noong Sabado ay minarapat na magkaroon ito ng repeat sa Nov. 30 sa pareho ring venue.
Buti na lang hindi na tinuloy ang Souled Out concert ni Ella May Saison sa araw ding iyon dahil nagtampo ang producers daw nito kay Ella May. Bakit kaya? From Souled Out to Back Out daw ito?
Ano na kaya ang kakahinatnan ng concert nito with South Border sa Solaire? Good luck na lang daw!
Nakakataquote:
Kylie, natulala sa resulta ng Cosmo...
Kylie Verzosa at the Miss Cosmo Coronation Night: “In my language, we say nakakatulala lahat ng babae. What I just meant was all the girls are beautiful. I can’t help but stare at them.”
Isang netizen ang nagsabi: “How Kylie Verzosa spoke in Tagalog is her way of comforting Filipino pageant fans. Just like Catriona (Gray) in Miss Universe.”
- Latest