^

PSN Showbiz

Political dynasty sa showbiz family, ayaw tigilan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Political dynasty sa showbiz family, ayaw tigilan
Manny Pacquiao, Jinkee sa filing ng COC ng anak na si Michael

All-out ang suporta ng mga magulang sa anak nilang nasa pulitika.

Hindi matawaran ‘yan, pagdating sa ganung sitwasyon na gagawin ang lahat para sa kung ano man ang plano ng kanilang mga anak.

Nakikita ngayon sa filing of candidacy ng mga bata at ang ilan ay mga bagitong pulitiko.

Kahapon ay maaga pa lang ay nag-file na ng candidacy ang anak ng dating Sen. Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao. Tatakbo itong konsehal sa General Santos City.

Bukod kay former Sen. Pacquiao, kasama rin si Jinkee at ang mga kasamahan nito sa kanilang partido.

Tuluy-tuloy na ang pagpasok sa pulitika ng pamilya Pacquiao, at hindi malayong ang buong pamilya ay tatakbo na rin.

Naging isyu kasi uli ang political dynasty dahil sa pagtakbo ng mag-iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa Batangas.

Hindi na kami nasagot ni Luis nang mag-message kami sa kanya sa messenger. Abala na ito sa pag-iikot sa Batangas, at nung kamakalawa lang ay naki-celebrate siya sa National Teacher’s Day sa mga guro sa naturang lalawigan.

Sabi ni Ate Vi, panahon na ring magsilbi ng panganay niyang anak, at kailangan daw niya si Luis ang katuwang niya dahil sa social media naman ang haharapin ng kanyang anak kung palaring mahalal itong Bise Gobernador niya.

Bahagi ng pahayag ni Vilma Santos, “I need Lucky. Kailangan ko ‘yung anak ko.

“Kasi kailangan ko ‘yung technology, kailangan ko ‘yung social media. Kailangan ko ng technology na itong mga new blood ang makapagbibigay to do a fast work, fast service.

“Remember, three years lang ‘yan. So, nakaplano ang programa. Pero kailangan natin itong bagong dugo. Fast track ng mga serbisyo…”

Ipinagtanggol din ni Jessy Mendiola ang kanyang asawa sa mga kumukuwestiyon sa pagpasok nito sa public service.

Sabi naman ni Jessy, “Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this. He grew up learning so much from his mom and his stepdad when it comes to politics.

“I do not understand why some people are so quick to judge porke’t artista siya. Ang pagiging artista ay isa lang sa mga kaya niyang gawin sa buhay.”

Ipinagmamalaki niyang isa raw sa pinaka-qualified na pumasok sa public service ay si Luis.

“Honestly, sa lahat ng artista na tumakbo at tumatakbo, si Luis ang isa sa pinaka-qualified sa lahat.

“Kung ang ibang tao nga may karapatan tumakbo, bakit ang isang tulad niya hindi puwede?” sabi pa ni Jessy Mendiola.

Samantala, sinamahan naman si Pasig City Mayor Vico Sotto ng magulang niyang sina Vic Sotto at Coney Reyes na nag-file ng COC bilang alkalde uli ng naturang lungsod.

Panghuling term na ito ni Vico, bilang alkalde ng Pasig City.

Kalmado na si Coney Reyes na nagpahayag na alam na ng kanyang anak kung ano ang ginagawa niya at ano ang dapat pang gawin sa responsibilidad na hinaharap nito sa lungsod. “So now I have peace in my heart. He has peace, we know what we’re doing, we know what he’s doing. So, nothing to worry about. God is in control,” saad ni Coney Reyes.

Gabby, mas inuna si Sharon kesa sa teleserye

Pero dahil hanggang Nov. 29 ang schedule ng kanilang tour kaya tengga muna ngayon ang production ng soap.

Nagpapasalamat si Gabby sa GMA 7 dahil pina­yagan siyang mag-concert muna, bago maging aktor.

O ‘di ba? Feel na feel na talaga ni Gabby ang pagiging singer.

Ang dami na niya kasing repertoire ngayon ay alam na alam na niyang maglaro sa stage ‘pag nagpe-perform ito.

“We have to consider my schedule with GMA because I am under contract with GMA. Nakakahiya namang tumanggap nang tumanggap ng mga shows, ‘di ba? Paano naman ‘yung ating commitment with GMA?

“So, na-extend kung aking contract with GMA, because we’re giving a leave of absence,” pakli ng aktor.

Aniya, “We’re doing 10 shows supposed to be in less than two months.

“So how can you get venues and reserve venues in less than two months. So, binubuo ‘yun because kailangan may ginagawa siya (Sharon Cuneta) meron din akong gagawin.

“With that schedule, ang hirap ipasok. That’s why hindi namin itutuloy ‘yung teleseryeng ‘yun to accommodate the shows, ‘yung Dear Heart concert tour. Maraming naghihintay nu’n, hindi lang namin puwedeng ipasok agad, because meron pa akong teleseryeng ginawa pa, if you remember.

“So now before we start another teleserye, siningit na namin ‘yung Deart Heart tour.”

Magsisimula na ang Dear Heart US-Canada Tour nila ni Sharon sa Oct. 26 na gaganapin sa Harrah’s Resort Southern California sa California.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with