^

PSN Showbiz

Dalawang teleserye na ‘di nagre-rate, titigbakin na?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Totoo bang bilang na ang mga araw ng dalawang teleserye na hindi masyadong nagre-rate sa ere?

Tila ba naghahanap na ng susunod na assignments at acting projects ang mga aktor na kasama sa teleseryeng ito para man lang may raket sila lalo na sa pagsapit ng Pasko.

“Ok lang ang mga artista eh, pero ang mga staff na contractual talents ang kawawa talaga,” sabi ng mga kasamahan sa trabaho.

Sana talaga makahanap ang mga tao ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan sa Kapaskuhan.

Gerald, ayaw gamitin ang kawanggawa sa pulitika!

Bakit hindi tumatakbo si Gerald Anderson kahit kilala siya sa pagtulong sa mga tao lalo na kapag panahon ng kalamidad o sakuna?   “I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman ‘yung platform ko eh. May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nu’n, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan, because people’s lives are at stake.”

‘Di kaya may matututunan ang mga katulad nina Luis Manzano, David Chua, Ion Perez, DJ Durano, Michael Pacquiao, at iba pang celebrity first-timers sa pulitika kay Ge­rald? Sana!

Martin, malabo na ang repeat concert

Usap-usapan ang talagang sold out na concert ni Olivia Rodrigo ngayon sa halagang P1,500 lang. Kaya naman palang babaan ang presyo ng tickets. Paano kaya nagawa ng producers ‘yun? At kahit pa may mga nagtatanong ng repeat para sa Martin Nievera concert sa Araneta Coliseum ay totoo bang malabo nang mangyari ito? Kasi ang producer niya mismo na si Ogie Alcasid ay magiging busy na sa pag-aasikaso ng kanyang Resorts World concert na Ogieoke 2 sa Nov. 30 na.

Paano pa, eh meron na ring major show si Martin with Pops Fernandez sa Valentine’s Day kaya talagang imposible nang maulit ang 42nd Anniversary Concert ni Martin ulit.

Masikip na ang concert scene dahil nandyan pa ang mga hit sa mga kabataang Bini, Arthur Nery, Maki, na grabe ang following. Pati nga si Lea Salonga sa Solaire magbubukas pa ng extra night!

Good luck sa shows nina Raymond Lauchengco, Southborder at Ella May Saison at kahit nga kay Vehnee Saturno na makikipagsiksikan sa Holiday events na rin.

Andrew Gan, mas swerte sa negosyo

Naikot na ni Andrew Gan Calupitan ang maraming managers tulad nina Rams David, Leo Dominguez, Arnold Vegafria, ngayon Tyrone Escalante at co-managed na ng Viva.

Pero bakit hindi pa rin nagte-take off ang kanyang career?

Katulad ng sabi ng unang nag-handle kay Andrew na Kapamilya direktor, dapat ma-match ng talent ang sipag at paglalako ng sarili. Para namang handang gawin ni Andrew ang lahat para sumikat, pero hindi kaya mas nasa negosyo ang linya niya kaysa sa showbiz?

Oh well, tingnan natin ang kahihinatnan niya sa Viva.

Nakakataquote:

Sa pagfi-file ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa darating na 2025 elections, may mga nakakatuwang quotes na sa una’y mapapangiti ka na lang – pero malalim ang bahid ng katotohanan ha.

Heto ang ilan sa mga hirit: “When you’re bored, travel or watch Netflix. Hindi ‘yung bigla kayong nagfi-file ng Certificate of Candidacy.” at heto rin: “Yung line up ng ilang partido, parang pinapakilala lang ang cast ng new season ng Bank Heist.” at heto pa ang isa: “Puro influencers at artista ang tatakbo. Public service po ang papasukin niyo, hindi Star Magic Ball. Awa na lang.”

TELESERYE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with